The next day Killoran woke up early in the morning. Inaantok pa siyang bumangon habang kinukusot niya ang kanyang mga mata. He went to sleep late last night dahil parang hindi pa din siya makapaniwala na talagang pinatawad na siya ni Yuna. Sa laki ng naging kasalanan niya sa pamilya nito alam niyang nahihirapan din itong magdesisyon. At mas lalong hindi siya makapaniwala sa nalaman niya mula dito. Umamin kasi ang binata sa kanya na may nararamdaman ito sa kanya. That Yuna likes him gaya ng pagkagusto niya dito. Hindi niya tuloy mapigilang hindi mamula dahil doon. Damn his too old para kiligin pero hindi niya maitatanggi na iyon ang nararamdaman niya. Umiling siya mabilis na nag-ayos ng sarili at pagkuway ay mabilis siyang nagpunta sa kusina dahil naisip niyang ipagluto si Yuna ng agaha

