Pinilit kong makabangon sa higaan ko pagkaumaga. Mga ala una na kami ng madaling araw nakauwi ni Brent. Ang saya ng gisiing ko ngayon kahit pagod at inaantok ako. Pinaramdam talaga si Brent sa akin na special at mahalaga ako sa kanya. Tumingin ako sa orasan. Oh my God, mag-alas onse na pala ng umaga. Dali-dali akong nagshower at isinuong ang aking damit na uniporme namin dito sa loob ng bahay bilang katulong. Tapos ay nagpulbo ako at kaunting liptint. Timing na binuksan ko ang pintuan, nakatayo si Brent sa may labas. "Brent, bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya. "May naghahanap kasi sa iyo sa labas, lalaki siya. Tinanonh ko siya kung ano ang kailangan niya pero ayaw niyang sabihin!" seryosong sabi nito. "Bakit? ano bang sabi niya?" sabi ko rin at bumaba na ng hagdan. Nakasunod naman si

