Pagkagising ko ay kaagad ko tiningnan si baby Brian. Ang bait bait talaga ng baby ko. Akalain mo iyon palagi lang siyang tulog tapos umiiyak lang kapag puno na ang kanyang diaper at kung nagugutom siya. Nakapa swerts ko dahil hindi niya ako pinapahirapan. Tumingin ako sa relo, alas singko na ng umaga. Kaagad akong bumangon para matulungan si Alice na maghanda ng breakfast namin. Inilagay ko muna si baby sa crib. Mag 8 months na kasi siya kaya marunong na siyang gumapang. Kunti nalang makakapaglakad at makakapag salita na siya. Ang bilis lang talaga ng panahon. Napangiti nalang ako. Naalala ko na ngayon darating ang Doctor na sinasabi ni Jenny kaya dapat nakaligo na si Tita Vernice at si Brent baho pa siya nakarating. Pagkatapos kung ilagay sa crib si baby Brian at pumasok muna ako ng banyo

