KABANATA 31 Ang makita pa lamang ang hospital ay nagpanginig na sa mga tuhod ni Jian. Takot na takot siyang pumasok, ngunit kailangan niya ring makita kaagad si Felix. Kanina noong nasa trabaho pa siya ay hindi niya muna sinabi kay Inah ang mga plano niya kahit batid na niyang pansin naman nito. Mabuti na lang at kahit ganoon ay hinayaan naman siya ni Inah na pumuntang mag-isa sa hospital. Vernon was there again as usual para mag-offer na ihahatid siya, but he stood firmly na nais niya munang mapag-isa. Jian arrived at the hospital na sinabi sa kaniya ng ina ni Felix around 5 in the afternoon. Ilang beses niyang sinabi na ayaw na niyang makita si Felix at kung maaari ay ayaw na niyang magkaroon pa ng koneksiyon ulit dito, ngunit sa nangyaring ito, tila gripong umapaw ang lahat ng emosiy

