KABANATA 23 Linggo ng hapon bago siya dumiretso sa kaniyang apartment kung saan naghihintay na si Inah, dumaan muna si Jian sa dati nilang bahay ni Felix para daanan ang naiwan niya. Sinabi niya rito na iwan lang sa isang kasambahay at ibigay na lamang sa kaniya sa labas ng gate para hindi na siya pumasok. Nakahihiya naman sa kanila kung hindi na siya isa sa mga may-ari ng bahay pero wala pa rin siyang pakundangan na pumasok doon. Hindi siya kagaya ng ahas na si Jennie na walang modo at hiya. Isa pa, alam ni Jian na wala na rin doon si Manang Luz. Nang makarating, tiningala ni Jian ang dati nilang bahay. Nalukot ang mukha niya. Wala siyang iba na nararamdaman ngayon kung hindi puot na lamang. “Magandang hapon, Manong. May naiwan po kasi ako sa loob. Patanong po sana sa mga kasambahay ku

