KABANATA 36 “Merry Christmas!” Sabay-sabay na pinagbangga nila Jian ang kanilang mga baso. Kasiyahan at tawanan ang namayani sa munti nilang tahanan sa pag-celebrate ng araw ng kapaskuhan. Kaunting salo-salo at sila lamang muna na magpamilya ang naroon. Bukas ng umaga ay dadalaw sa kanila ang kaniyang mga katiyuhan, katiyahan, at kanilang mga pinsan. Limang araw rin ang bakasiyon niya mula sa trabaho habang ang mga estudyante nama’y hanggang pagkatapos ng bagong taon. “Merry Christmas, Ma! Merry Christmas, Pa!” Lumapit si Jian sa kaniyang mga magulang para yumakap. “Merry Christmas, bunso!” “Merry Christmas, anak. Tara na at kumain para sa noche buena. Jean Aldrin, tama na iyang ML mo na iyan at kakain na,” usal ng kaniyang ina. Masayang pinagmasdan ni Jian ang kaniyang pamilya habang

