KABANATA 21 Napangiti si Jian nang makita na ang kotse na pumarada sa labas ng kanilang tahanan. Natataranta ang driver na bumaba mula sa driver’s seat at ang batang buhat naman nito’y masayang tinatawag siya. Nakaramdam ng kaunting guilt si Jian, pero wala na siyang kilalang ibang tao na makatutulong sa kaniyang maghatid ngayon sa pamilya niya dahil hindi naman siya marunong mag-drive ng kahit anong sasakiyan. Pwede siyang mag-commute kagaya ng nakasanayan, but he was too tired already. Nang tawagan niya si Inah kanina tungkol sa sitwasiyon ay sinuhesitiyon nito na tawagan si Vernon. Nag-aalala nga rin iyon sa kaniya kaso may importanteng lakad. “Teacher Jian!” masayang bungad sa kaniya ni Vander pagkatawid nila ng ama nito. Binaba ni Vernon ang anak at yumakap naman kaagad

