Simula

4663 Words
Simula "Congatulations love birds!" masiglang bati ko dalawang taong nakatayo ngayon sa harapan ko suot ang wedding attire nila.  Kakatapos lamang ng kanilang kasal at ngayon ay malaya nang nakakapag-usap ang mga guest na dumalo dito habang kumakain. Nandito kami ngayon sa Sea Side Restaurant ng Hotel na pagmamay-ari ko kung saan ang reception ng kasal nila. "Thank you, Madame Lazigosia! I'm so glad that you came despite your hectic schedule." malambing na sagot sa 'kin ng bride na Klaudia habang nakalingkis ang mga braso nito sa husband niyang si Caspian. Halata ang labis na pagkatuwa sa mukha niya. Bagay na bagay rin sa maamo niyang mukha ang kasimplehan ng wedding dress na suot niya.. She looks elegant and graceful. Matipid akong ngumiti at hinawi ang hanggang balikat kong tuwid na buhok na nililipad ng hangin. Klaudia is a dear friend of mine. I met her in Manila during my college days.  Napangiwi ako. "Drop the Madame, Klaud. Nang-aasar kana naman. We're best friends." sambit ko. Well, I have been telling her a long time to stop calling me Madame and consider me as her friend just like before but she didn't stop. She keeps on teasing me. "Oh! Sorry." she laughed. "Madame-- I mean, Fleur. Hindi ko ma-iwasan. Owner kana kasi ng isang sikat na Hotel, e! Parang dati, nakiki-tulog kapa sa condo ko. Time flies so fast!" "Yeah it is.." I smiled weakly. "Sana patuloy lang na bumilis ang paglipas ng panahon..." makahulugan kong sambit. Matapos kong makipag-kwentuhan sa bagong kasal ay nagpaalam na ako na aalis na dahil marami pa akong kailangan gawin. Marami akong trabaho na kailangang tapusin ngayong araw. Kung hindi nga lang malapit si Klaud sa 'kin ay hindi ako dadalo sa kasal na 'yon. Simply because I hate weddings... I don't like seeing lovers getting married and exchanging their wedding vows in front of the altar. It reminds me of my past. Ang nakaraan na gusto ko na lamang ibaon sa limot o kaya naman ay ipatangay sa mga malalaking alon sa dagat upang hindi ko na iyon maalala pa. I just get hurt every time those memories haunt me. I hate those memories... I f*****g hate it! Kung pwede nga, magka-amnesia na lang ako para makalimot na ako. Keeping those memories inside my head makes me sick. Ano nga ba kasi ang dapat na gawin upang makalimutan ko iyon? Bago ako tuluyang makabalik sa opisina ko na nasa loob ng isang magarbong hotel dito sa Isla ay napasulyap ako sa tabing dagat. Tirik ang araw kaya naman maraming mga turista ang naroon at nagkakasiyahan sa paglangoy. Sa dalampasigan, naroon ang mga nakahilerang sun lounger. Ang ilan ay inuukupa ng ilang turista upang mag sun bathing. Habang pinagmamasdan ko ang mga tao roon na lumalangoy at nagsasaya sa paghahabulan sa tabing dagat, isang alaala ang bigla na lamang lumitaw sa isipan ko.. Parang may isang matalim na bagay ang tumusok sa dibdib ko dahil doon. "Era! 'Wag kang lumayo sa'kin at baka tangayin ka ng alon!" Napalingon ako sa lalaki na sumigaw sa may bandang likuran ko. Nasa dagat ako at hanggang baywang tubig sa katawan ko habang siya naman ay nasa dalampasigan. He was just wearing a black beach short. Wala man lang siyang suot na pang-itaas o tsinelas kaya naman kitang kita ang magandang hubog ng katawan nito na para bang alagang-alaga sa ehersiyo. Magulo ang itim at medyo tuwid nitong buhok habang naniningkit ang mga matang nakasunod sa 'kin. Tirik na tirik ang araw at natatamaan no'n ang maputi at makinis niyang balat. Mukha talaga siyang anak mayaman. Simula nang mapadpad siya rito sa Isla ay hindi na magkanda-ugaga ang mga kababaihan dito sa pagtitig sa kaniya. Napairap ako sa bagay na iyon. Ngumiti nalang ako nang makita itong humahakbang papalit sa 'kin. Halata ang pag-aalala sa mga mata niya habang hinahawi ang buhok niyang nililipad ng hangin. Ang katawan niya ay unti-unting sinasakop ng tubig dahil sa pagsunod niya sa 'kin. Inalis ko ang tingin sa kaniya at ipinukol sa harapan ko. "Hindi ako malulunod, Eli. Mababaw lang naman ito at isa pa, walang namang alon. Tahimik at payapa ang dagat ang ngayon.." napangiti ako habang tinatanaw ang mga bundok sa 'di kalayuan. Matatayog ang mga puno roon. Impit akong napasigaw nang may bigla na lamang yumapos sa 'kin mula sa likuran. Hinawi niya ang mahaba at kulay kape kong buhok at dahan-dahan ginawaran ng halik ang leeg ko. Sa sobrang ingat ng halik niyang iyon ay nakakakiliti. I could feel his warm breath on my skin! As if I was electrified by every touch of his soft lips on my skin! My god, heto na naman ako! Binabaliw na naman niya ako gamit ang halik niya! This is illegal! Naramdaman ko ang pag-angat ng labi niya sa leeg ko at ang paglipat noon sa ulo ko. Inaamoy amoy niya ang buhok ko habang nakayakap pa rin sa 'kin. "E-Eli.." napapaos kong sabi. "Era, h'wag kang lumalayo sa 'kin, please.. Nag-aalala ako kapag wala ka sa tabi ko.. Para akong mababaliw kapag hindi kita nakikita.." puno ng pagsusumamo niyang bulong sa 'kin. "Dito ka lang sa tabi ko, please.. H'wag kang lalayo." baritonong sabi pa nito. Ramdam na ramdam ko ang hininga siya sa 'king ulo. Napalunok naman ako dahil sa nararamdaman kong tukso ngayon sa katawan ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang kakaibang pakiramdam ngayon sa katawan ko. Kumalas ako sa pagkakayakap sa 'kin ni Eli at nakangiti ko siyang hinarap. "Hindi na..." I smirked. "Isasama na kita kahit saan ako magpunta.. Gusto mo ba pati sa banyo ay isama rin kita? Hmm?" I smiled playfully and licked my lower lip. Nakita ko naman ang pag-igting ng panga ni Eli habang bahagyang magkasalubong ang kaniyang mga kilay. "Stop it, Era.. Don't turn me on.." puno ng pagpipigil na sambit niya na nagpatawa sa 'kin. "I'm not! Pigilan mo ang sarili mo dahil hindi kita pagbibigyan!" pang-aasar ko sa kaniya. Tawa ako ng tawa habang inaasar siya ngunit agad akong natigil sa pagtawa nang may bigla akong maalala.. Ang amusement sa mukha ni Eli ay napalitan ng pag-aalala nang mapansin niya ang ikinilos ko. Nag iwas ako ng tingin ngunit mabilis niyang hinawakan ang mga balikat ko upang iharap ako sa kaniya. "Bakit? May problema ba?" he asked. Umiling ako at tumawa upang kumbinsihin siya na wala ngunit mukhang hindi naman siya nakumbinsi roon. Sa halip, mas lalo niya lamang akong hinila papalapit sa kaniya. "Tell me, Era... May problema ba?" puno ng pag aalala ang mga mata ni Eli. Parang bang sinasabi noon na hindi kami aalis rito hangga't hindi ko sinasabi ang problema ko. I smiled weakly while looking straight on his expressive eyes. Yumuko ako at nagsalita. "W-wala.. Nalulungkot lang ako kapag naalala ko kung paano kita nakilala, Eli.. Nalulungkot kapag naalala ko ang aksidenteng pagkakapadpad mo rito sa Isla.." sinubukan kong ngumiti kahit na may namumuong luha na sa mga mata ko. "E-everything is unexpected, Eli.. You are unexpected.. May posibilidad na isang araw bigla kana lang mawala.. Posibleng isang araw magising ka sa katotohanan at iwan mo ako--" "Era.." he called. Nag-angat naman ako ng tingin sa kaniya at nakita ang malungkot niyang mga mata. "Whatever happens... I won't leave this marvelous place... I won't leave my precious gemstone... I won't leave you, Emerald. " mapupungay ang mga mata niya nang tingnan ko ito. Isinasayaw ng hangin ang buhok naming dalawa habang nakahawak pa rin siya sa balikat ko. "Trust me... Era, please? Kung sakaling umalis man ako.. I will surely come back.. And that's a promise... Kahit ano'ng mangyari babalikan kita.. Keep that in your mind." Inalis niya ang isang kamay sa balikat ko upang punasan ang mga luhang naglandas na pala sa pisngi ko. He slowly caressed my cheek and jaw. Pinilit ko namang ngumiti upang matanggal ang sakit na nararamdaman ko. Inangat ko ang kamay ko at hinawakan ang kamay niyang humahaplos sa pisngi ko. Tumango ako at ngumiti. "Palagi akong maniniwala sa 'yo, Eli.. Mahal kita.." I sincerely said. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at mabilis kong inangkin ang mga labi niya. Hinawakan naman niya naman ang baywang ko upang mas mapalapit ako sa kaniya. He kissed me back passionately and deepened our kiss... "Madame, Fleur!" Nagbalik ang diwa ko sa reyalidad nang marinig ang pangalan ko mula sa kung sino mang tumawag sa 'kin. Paglingon ko, isang empleyado nitong resort ang naglalakad papunta sa 'kin. "Lydia.. Bakit?" tanong ko rito. Medyo pawisan pa ito. "Tumawag kasi si Mr. Lazigosia sa landline ng Hotel. Hindi niyo daw po sinasagot ang tawag niya." saad niya. "May problema po ba kayo, Madame? Mukha pong hindi maganda ang pakiramdam niyo, e. Nakita ko po kayong tulala dito kanina. Tinitingnan na po kayo ng ilang guest." bulong niya sapat lang upang marinig ko. Napakurap-kurap naman ako sa sinabi niya at pinasadahan ang buong paligid. And it's true, some of the guest are looking at me! My god, Fleurencia! Bakit ba kasi naalala ko pa ang mga alaalang iyon? Hindi ko na dapat 'yon naalala, kainis! Matagal nang nangyari ang mga iyon pero patuloy pa rin akong ginagambala. Tumango ako sa empleyado kong si Lydia at pinilit na ngumiti. "Ayos lang ako. Nahilo lang siguro ako kanina dahil sa tindi ng sikat ng araw. Anyway, I'm going back to the office after changing my clothes. Pasabi sa kitchen, dalhin nalang doon ang lunch ko. Kapag tumawag ulit si Papa, sabihin mo nasa mansyon lang ako." "Sige po. Ano po'ng gusto n'yong lunch, Madame?" maagap na tanong nito. "Fish fillet na lang and ice tea.." sagot ko "Uh, samahan mo na rin pala ng kaunting fresh fruit para sa desert. Thanks." Tumango-tango si Lydia at nagpaalam sa 'kin na babalik na siya sa trabaho niya bilang isang waitress. Naglakad ako ng kaunti papaunta sa Mansyon upang mapagpalit ng damit. I'm still in my formal dress and I'm not comfortable working like this. I need to take a bath and change. Pagkarating ko sa mansyon, ilang milya lamang ang layo mula sa Hotel, sinalubong agad ako ng mga kasambahay kong na naka-uniporme. Nginitian ko lang sila pagkatapos ay nagtungo na ako sa kwarto ko upang maligo at magpalit. Hindi na ako masyadong nagtagal pa sa bathroom dahil may trabaho pa ako. I just wore a champagne bell sleeve maxi dress and flat white sandals. I put on some powder and lipstick and just let my short hair fall out. My cheekbones are rosy and a bit high while my brows are thick and arched, it doesn't need to be fixed. Sinipat ko ang sarili ko salamin. Wala naman akong meeting na pupuntahan ngayon kaya ayos lang na ito ang ayos ko. Hindi na rin ako nagsuot pa ng kahit na anong alahas, maski relo ay wala. I was about to leave the mansion with a white purse when my cellphone suddenly rang. Tsaka ko lang din naalala 'yung sinabi ni Lydia kanina tungkol kay Papa. Lowbat kasi ang cellphone ko at ichinarge ko lang ito kanina habang naliligo ako. "Papa.." "Anak, where are you? Wala ka daw sa office mo and you haven't answered my calls. Are you, okay?" tanong nito mula sa kabilang linya. Halata ang pag-aalala sa tono ng pananalita nito. I miss him. I miss my family... Pero ano bang magagawa ko? Ginusto ko naman ito.. Ginusto ko na manatili sa lugar na'to. Maraming alaala dito na hindi ko pwedeng basta iwan nalang. Dito ako lumaki.. at dito rin namatay ang dalawang importanteng tao sa buhay ko. That's why I built a business here... I don't want to leave this place. I really don't want to. Sa kabila ng lahat ng sakit na naranasan ko sa lugar na 'to.. Sa kabila ng lahat ng pagkabigo ko rito.. Mananatili ako sa lugar na 'to. This is my place. Está Caliente will always be my home. "Yes, Pa. How about you? And Mama? Si Eri po? Is she doing well?" I bit my lower lip to stop myself from frowning. I really miss them. "That's good to hear, hija. Everything is fine here too. Federica is well. Lahat ng sinasabi ng Doktor ay sinusunod niya.. Anyway, are you heading back to the office? I want to discuss something to you.." "Yes. I'm on my way, Pa." Pagbalik ko sa Hotel, binati ako ng mga empleyado roon, nginitian ko lamang sila bago ako nagpatuloy sa paglalakad patungong elevator. Napansin ko na maraming guest ngayon kaya medyo natuwa ako. At least umuusad ang negosyo ko. Hindi madaling mag-handle ng ganitong business and somehow... I'm proud of myself. I hope Lola Tilda too. Pagkarating ko sa office ko, dumako agad ang mga mata ko sa center table. Naroon na ang lunch ko. Ngunit sa halip na kumain ay nagtungo ako sa table ko, binuhay ko ang laptop ko at agad na sinagot ang video call galing kay Papa. Bumungad sa 'kin ang nagagalak nitong mukha at ang background ng bahay namin sa Maynila. I miss being there.. "Ano'ng idi-discuss mo sa 'kin, Papa?" tanong ko kaagad. Wala akong ideya kung tungkol saan iyon. Pero sa tingin ko naman ay importante dahil kailangan pa ay video call. Ngumiti si Papa sa 'kin. "It's about business, anak.." Nagulat naman ako. "Oh, okay. Ano'ng tungkol sa business ang pag-uusapan natin? Is it about yours? Well, if you need my help just say it. I'll try if I can clear my schedules and go back to Manila--" "No, hija. It's about yours." he cut me off. Nangunot naman ang noo ko. "Why? I'm doing great here, Papa. You don't have to worry." Tumawa si Papa. "I know, I know. But I heard you're in search of Construction Services Company, right? Investors also.." "Kanino mo nalaman 'yan, Pa?" I asked curiously. I didn't tell that to Papa because I knew he would help me. I am not against with his help but I want to be independent. I want to stand on my own without any help from my parents. "Klaudia told me. I want to help, anak. I know a Construction Company here in Manila and the Engineers and Architects there are great workers. Sila ang gumawa ng bahay natin sa Cebu. Hindi ba't gandang ganda ka roon?" Tumango naman ako. Maganda naman kasi talaga ang pagkakagawa sa Mansion namin sa Cebu. Moderno ang style no'n kaya kapag may oras ako kay dumadalawa ako roon. "Yes, Pa. But you know.. I want to be independent.. Hindi naman po sa ayaw ko ng tulong mula sa inyo but I just... want to work alone." seryosong sambit ko. Humagalpak naman ng tawa si Papa. "I know. Hindi naman ako maglalabas ng pera, anak. Nagrekomenda lamang ako ng tao. Try them.. Hindi ka magsisisi. Talagang magagaling sila." Napabuntong hininga na lamang ako habang nakasandal sa swivel chair ko. Hindi ko alam kung bakit pinipilit ako ni Papa ngayon. Dati naman hinahayaan niya lang akong tumanggi. Pero, sige na nga. Minsan lang naman ako pumayag sa offer niya and besides, he's also a business man. "Okay.." tumango ako at umayos ng upo. "I'll give it a try, Pa. Mapagkakatiwalaan ba ang kumpanyang iyon?" there's still doubt on my head. "Of course! I'm their client." magiliw na sambit ni Papa. "Then I'll inform them that you want to--" "I need to meet them first, Pa. Kahit sino sa mga empleyado sa kumpanyang iyon na makakapag papayag sa 'kin na sa kanila magpagawa.. Saan ba ang location ng company nila? Sa Manila lang ba sila matatagpuan?" nag taas ako ng kilay. "Yes. Pero kung gusto mo na papuntahin ang ilang tauhan nila riyan ay pauunlakan ka nila. Well, the CEO of that company is my dear friend." nakangiting sambit ni Papa. Napatango-tango naman ako. So, kaya naman pala niya nirerekomenda sa 'kin, e. Dahil kaibigan niya ang CEO doon. Okay.. Atleast may tiwala na ako, kaunti. "That's great then.. What's the company name?" "CECC. I'll email you some piece of information about them. Pati contact numbers nila." "Okay, Pa. Thank you." Nag-usap pa kami ni Papa tungkol sa business hanggang sa mapunta iyon sa personal kong buhay. He asked me if I want to get married and I immediately said no. f*****g no! Ayoko ngang nakakakita ng mga ikinakasal, e. Ang mai-kasal pa kaya? Graduate na ako sa pagiging tanga. Tuwing naririnig ko talaga ang bagay na 'yon, napapasimangot nalang ako. Ayoko ng maalala ang mga dating alaala sa buhay ko na tungkol sa kasal. Nasasaktan lang ako.. I'm only twenty-four, I'm still young so I don't have to get married right away. I still have a lot of responsibilities to fulfill. Days passed. I have already sent an email and request to CECC tulad ng gusto ni Papa. I'll also stalk and gathered some information about their company. From the articles I saw about them, I can say Dad was right. They are really good and their company is famous, especially in Manila. There were pictures of the structures and establishments they made but it was surprising because I did not see any pictures of the CEO, Director, or even just Engineers in that company. Why are they so private? Maybe they don't want to make their faces public? Why then? Pangit kaya sila? Natawa ako at napailing nalang. Nang-araw ding iyon, nakatanggap ako ng reply mula sa CECC. Ang sabi roon, they will be able to grant my request and they will immediately send some of their employees here to talk to me and to check out this place as well. I quickly agreed to it. According to the email, two Engineers and an Architect will come here. Nag-set sila ng eksaktong date kaya naman mabilis akong nagpa-reserve ng magiging kwarto nila sa araw na iyon. Nagpahanda rin ako ng maliit na salu-salo. Of course, even if they are not guests here I still have to treat them that way. Maybe they'll give me a good offer. Hindi naman sa tinitipid ko itong Hotel, ayaw ko lang ng masyadong malaking gastos gayong balak ko lang naman ipa-renovate 'yung mga beach house dito. Magpapatayo rin ako ng cafe upang makaattract pa itong hotel ko ng turista. Hapon na ngayon at kakatapos ko lamang um-attend sa isang meeting sa kapitolyo. Narito ako sa office ko at nag-aayos ng sarili. Ngayong araw kasi darating ang mga tauhan ng CECC dito sa Isla Lefevre (Island in Está Caliente). Bago ako umakyat dito sa office ko ay nag-utos na ako sa secretary kong si Suzanne na magpahanda na ng salu-salo para sa bisitang darating mamaya. Sa Sea Side Restaurant ko sila balak i-welcome at pag usapan ang lahat. Maganda kasi ang ambiance roon at siguradong marerelax sila habang pinag uusapan namin ang tungkol sa ipapatrabaho ko sa kanila. Sana ay maayos silang kausap tulad ng sabi ni Papa. Mga alas singko ng hapon, pumanhik na ako sa baba at nag tungo sa Sea Side. I smiled when I saw that everything was set-up properly. I reserved three rooms for them. Luckily, the Hotel is not fully booked this season. "Madame Fleur, okay na po lahat.." sabi ni Suzanne. Nakasunod siya sa 'kin habang may sinasabi tungkol sa kung anong nangyayari sa Hotel. Tulad ng pagtaas at pagbaba ng sales at kung anu-ano pa. My brows furrowed when she mentioned something about complaint. "W-what? Bakit ngayon ko lang 'yan nalaman?" iritang sambit ko habang inaayos ang blazer na suot ko. Suzanne told me about a client who complained because the shower inside their bathroom was broken. "Kanina lang po kasi ini-report sa 'kin ng isang cleaner, Madame. Nasa meeting po kayo kanina kaya ngayon ko lang po nasabi. Pasensiya na po.." yumuko ito. Hinilot ko naman ang noo ko. "Okay, kumuha na ba kayo ng gagawa no'n? Ayusin niyo na kaagad para wala nang susunod na magreklamo." utos ko na kaagad naman nitong sinang-ayunan. "Pagkatapos kong makipag-usap sa mga empleyado ng CECC, tsaka natin pag usapan 'yung iba pang kaso. Gusto ko maging maging maayos ang negotiation ko sa CECC ngayong araw." "Okay, Madame." Suzanne left my side and went to the other staff of this Hotel, maybe to inform them that the employees from CECC are coming. Matapos ang isang oras, handa na ang lahat. Prente akong nakatayo sa may entrance ng Restaurant upang abangan 'yung mga darating. Papa told me that they were a little late because of traffic. Naintindinhan ko naman iyon pero sana lang ay hindi nila pinaghihinatay ng matagal ang isang CEO. They're going here to convince me, right? I sighed. I looked around the Restaurant and turned my attention to the long table covered with a variety of food. Lahat iyon ay mamahalin. Ang sabi kasi sa 'kin ni Papa ay maarte raw sa pagkain ang isang Engineer doon bagay na ikinairap ko. Kung nalaman ko lang noong una pa na may maarte pala roon sana ay tumanggi nalang ako kay Papa. "Ma'am, Fleur. Nand'yan na sila!" Napakurap-kurap ako nang marinig ko ang sigaw ni Lydia. Nakatayo ito sa may buhanginan sa labas ng Restaurant habang may tinatanaw sa malayo. Maya maya pa, isang itim na van ang tumigil sa harapan naming lahat. Tumikhim ako at sinenyasan ang ilang bell boy na salubungin ang mga taong sakay ng van at tulungan sila sa mga bagahe nila o kung ano mang bagay na dala nila. Lumapit na rin ako roon upang personal silang i-welcome dito sa hotel ko. Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko ang isa-isa nilang paglabas. Unang lumabas ang isang lalaking brown at wavy ang buhok. Mukha itong bata at baguhan dahil sa paraan ng paglinga niya sa buong paligid. Nakasuot ito ng pang business attire at specs. Sunod naman na lumabas ang isang babae na sa tingin ko'y maedad lang sa 'kin ng ilang taon. Two or three years, I guess? Maputi ito, matangkad at maganda. Tuwid ang itim nitong buhok at singkit ang mga mata. She was wearing a cream ribbon blouse, brown skirt, and black stilettos. I looked away when I notice her healthy breasts. Sana all. I looked at the door of the van and waited for the last person to come out. I was ready to speak to welcome them but my eyes widened when I recognized who was the last person came out of the van. Thin and red lips, beautiful and muscular body shape, attractive eyes, jet black shiny hair and his ... seductive smile... "Good evening, Miss Lazigosia and sorry for keeping you wait." he smiled at me. "We are from CECC. I'm Engr. Vicenzo Ellian Castellon, by the way.." inilahad niya ang kaniyang kamay sa harap ko. Bumaba ang tingin ko roon at natulala. Is this f*****g real? Nasa harap ko ba talaga siya?!Tell me.. This isn't real! B-bakit? Bakit siya nandito?! Anong karapatan niyang magpakita pa sa 'kin! Damn it! Naninigas ang buong katawan ko at para akong hindi makagalaw. Nanunuyo't ang lalamunan ko dahil sa namumuong galit sa katawan ko.. Naikuyom ko na lamang ang kamay ko at mariing kinalma ang sarili ko nang mapagtantong nakatingin na ang mga tauhan ko sa 'kin.  A fake smile flashed on my lips. I moved my hand to shake his hand but before I could do that the woman took my hand. "Hi! I'm Architect Sabrina De Torres. Nice to meet you!" she smiled sweetly at me. "Hello, Ma'am. I'm Engr. Marion Vergara po.." sabi noong isa at nakipag kamay rin. I tried to smile even though I felt like I was about to explode in rage! Nanghihina ako at parang gusto ko nalang ding mawala sa kinatatayuan ko... I don't want to see him.. I want him to disappear from my sight! "Since we're done introducing ourselves.. P'wede na ba kaming pumasok sa loob, Miss Lazigosia?" tanong no'ng babae. Medyo nakataas pa ang isang kilay nito at parang naiinip na ewan. Naaasar ako sa presensiya niya sa 'di ko malamang dahilan. "Y-Yeah.." I nodded. "L-let's head inside to talk.. Nagpahanda ako ng Dinner." Iginiya ko silang tatlo papasok sa Restaurant. I heard a few compliments from the two about the ambiance of this place but none of what they said caught my attention. "I like this marvelous place, Miss Lazigosia... Before and now.." I turned to him and I gasped when I saw him with a playful grin on his lips. Fuck. Paano.. Paano niya nagagawang ngitian ako ng ganiyan at umarte na parang wala siyang kasalanan sa 'kin? Paano niya nakakayanan na iharap sa 'kin ang makapal niyang mukha?! Puta, paano?! It's been 5 years! f*****g 5 years! At sa loob ng mga panahong iyon, wala akong ibang ginawa kundi kalimutan siya at ang lahat ng alaala namin noon! Bakit ngayon.. Bakit ba nagpakita ulit siya sa 'kin? Maayos na ako, e. Gradually, I was able to cope with the pain of everything he had caused me! Why does he have to show up again?! Why?! "Before and now? You've been here Enzo-- I mean, Engr. Castellon?" Sabrina asked him, smiling.  Nasa hapag na kami at kaharap ko silang tatlo. Sabrina, that girl is between the two. Kanina pa siya dikit ng dikit sa lalaking katabi niya na mas lalo kong kinai-irita. Enzo, huh? So, 'yon na pala ang pangalan niya ngayon? He's rich and he has a f*****g girlfriend. Well, what else can I expect? He's been missing for 5 years. Tapos ngayon magpapakita siya sa 'kin habang nakangisi at may babaeng nakalingkis sa braso niya? What the hell, Fleur?! Stop thinking bullshits! "Yeah, years ago. I lived here.." sagot ni Eli o kung ano mang pangalan niya. He looked at me intently before drinking the wine served to him by the waiters. "Oh, really?! I didn't know." Sabrina chuckled and I find it very... very annoying. I couldn't stand it anymore. My grip on the untensils tightened. I cleared my throat before talking. "Sorry to say this but I have so many things to do... Can we talk about the contract immediately?" matapang na sabi ko. Sa gilid ng mata ko, alam kong nakatitig si Eli sa 'kin at hindi ko iyon gusto. Hinding-hindi ko na iyon magugustuhan pa. "Sure," Eli licked his lower lip before reaching his hand to Engr. Vergara. "The contract." he commanded. Mabilis namang tumango ang Engineer na iyon at inilabas ang isang itim na folder sa dala nitong bag. "Here, Ma'am." Kinuha ko iyon, binuklat, binasa ng mabilis ang mga nakasulat at walang pagdadalawang isip na pumirma na ikinagulat nilang tatlo. Ginawa ko iyon dahil wala akong ibang iniisip kundi ang makaalis nalang sa harapan nila. "Era..." he whispered. I almost broke the ballpen I was holding when I heard that old name of mine. I looked up and saw the man I used to call Eli smiling at me. Parang may kung ano namang kumislot sa katawan ko nang marinig ko iyon. Nagpupuyos sa galit ang kalamnan ko habang nakatingin ako sa pagmumukha niya. Why is he calling me Era?! I'm Fleurencia! I'm not Era anymore! Damn it! I looked at him coldly. "I'm Fleurencia Therese Lazigosia, the owner of Fuerza Valiente. Call me Miss Fleur, Ma'am Fleur or Madame. Thank you for coming here and I hope you enjoy your stay here. I need to go. Excuse me." tumayo ako at tinawag ko ang secretary ko. "Suzanne, ikaw na ang bahala sa kanila." utos ko. And with that, I found myself walking away from all of them... Away from that place... And away from him. I want to cry... But as I walk along the white sand near the shore, no tears come out of my eyes. I just sat on the sand and let my short hair danced by the cold wind from the sea. Pinagmasdan ko ang langit na unti-unti nang nababahiran ng kadiliman habang may isang maliit na ngiti sa labi. "B-bakit.. Bakit kailangan mo pang bumalik?" my voice broke and I just found myself crying on the shore... _______ DISCLAIMER This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental. This book or any portion thereof may not be reproduced, redistributed or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author. Please be advised that this story contains mature themes and strong language that are not suitable for very young audiences. Read at your own risk. Plagiarism is a crime. written by silentfurrycat All rights reserved. Ps: This story is UNEDITED and still ON-GOING. So expect typo graphical errors, grammatical errors and wrong spellings. Bihira talaga akong magproof-read so please bear with me. I'll get back to this after I finish the whole series. Enjoy reading. Thank you po.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD