Jade's POV "Lunch time!" masayang sabi ko pagkapasok ko sa office ni Paris. Natawa ako dahil nakita ko syang napatalon sa inuupuan. Sinamaan nya ako ng tingin pagkatapos. "Kain na tayo." itinaas ko ang malaking lunch box na dala ko. "Luto ko 'to." "Hindi mo ako maloloko." sabi nya at tumayo naman sa inuupuan nya na ikangiti ko. "Grabe ka pero sabi ko nga, si Mama nagluto nito. Pinadalhan nya ako ng pagkain, sabi ko dagdagan nya dahil sasabay ako sayo." lumapit ako sa mababang lamesa nya sa harap ng office table nya. Inihanda ko ang pagkain. May mainit na sinigang na baboy, mga gulay, fried chicken at hotdog. Tubig lang drinks namin. "Sa isang liligyan lang ng kanin tayo kakain?" tanong nito. "Oo nga 'no?" napakamot kong sabi. Wala naman extrang liligyan para pagligyan ng kanin. Nadag

