Jade's POV "Miss, pa-account po." tumingin ako sa harapan nung may customer. Tumingin ako sa paligid. "Pa-assist. Salamat." sabi ko at ibinalik ang tingin sa monitor. May ginagawa ako kaya hindi ko ma-assist yung customer. Isang buwan na simula nung nagbukas ang shop ko. Marami agad akong customer nung unang linggo. Gamit lahat ang two hundred na PC ko. Hindi lang mga estudyante sa school ni Mama ang pumupunta sa shop ko. Yung kalapit high school rin kaya araw-araw na lang ay maraming tao. Kaya madalas na akong pumunta rito para i-check at tumulong na rin. Wala na rin naman kami pasok at waiting na lang kami sa graduation na gaganapin next week kaya mas marami akong time sa shop ko. "Kuya, fried noodle with beef siomai, dalawang order!" sigaw ng customer sa snack center. Ang lakas ng b

