Jade's POV Pagkatapos ng shift ko ay pumunta ako kanila Fin para bisitahin si Michael ron. Lagi ko naman kinakamusta ito pero ilang araw ko na rin hindi sya na pupuntahan kaya titignan ko ito bago pa umuwi ang mga magulang namin bukas. Nagpaalam na muna ako kay Paris bago ako umalis. Sigurado kasing late na ako makakasundo sa kanya dahil kanila Tita. Mag-iinuman kami mamaya kaya babalik pa ako sa kanya. Pinahiram rin ako ni Paris ng sasakyan dahil medyo malayo ang bahay nila Fin. Since malapit lang condo nya ay lalakarin na lang nya ito. Ayoko sanang pumayag dahil baka may mangyaring masama sa kanya pero sumingit si Carla na ihahatid nya si Paris para hindi ako mag-alala. Pinagkatiwala ko na lang si Carla sa kanya at ginamit ang sasakyan nya. Papasok na ako ng subdivision kung saan nakat

