Jade's POV "Jade, hindi ka pa kumakain?" lumingon ako sa humawak sa balikat ko. Si Ate Mau. "Hindi pa ako gutom kanina pero ngayon gutom na." nakangiting sagot ko. Tumingin ako sa oras, ala una na. Tumayo na ako at kinuha ang wallet ko. Nagpaalam ako kay Ate Mau na kakain na muna. Lumabas na ako ng office habang nag-iisip kung ano kakainin dahil ayun na naman ang malaking problema ko. Gusto kong kumain ng masarap. Napatigil ako sa paglalakad nung may humawak sa braso ko. Lumingon ako sa likuran at nakita ang ayoko pa sanang makita. Inalis ko ang earphone ko sa tainga nung makitang nagsasalita sya. "Sorry, Trixie." paumanhin ko. "It's okay. Lunch?" nakangiting tanong nya. "Sumabay ka na samin ni Paris." sabay lingon nya kay Paris na nasa likuran nya. Tumingin ako kay Paris pero mabili

