"Hi, Ms. CEO! Coffee niyo, oh. Latte iyan. Paborito niyo raw sabi ni Emery." magiliw na abot sa'kin ni Leona ng coffee cup at saucer. "Thank you, Leona." sagot ko, hilaw ang ngiti. Naghanap ako ng tahimik na puwesto sa may function hall. Umupa ang kompanya namin ng adventure eco park para sa team building na gaganapin ngayong araw na aabot hanggang bukas. It's past 9 a.m. and we were just done welcoming our employees and informing them of today's programme and schedule. Nakapag-introduction na sila para mas makilala ang isa't-isa pati na ang taga ibang departments. Matapos iyon ay masaya silang nag-icebreaker dito pa rin sa function hall. They played 'amazing secrets'. Sa larong iyon, mas nai-express ng mga empleyado ang sarili nila. Nalaman din nila kung anong pananaw sa kanila ng mg

