I asked for so many signs. Minsan na kong nagkamali sa taong minahal ko at ayoko nang mangyari iyon uli. It was a long process before I could open up to Dijon again. Nakatulong na bumalik na siya sa dati; iyong mapang-asar at mayabang na lalaking nakilala ko. It was a lot easier for me to be comfortable with him that way. Not to mention to feel safer. "Stay on my right side, baka mahagip ka ng mga nagi-skates dito sa park." kabig niya sa'kin sa bahagi ng daanan na may mga food stalls at benches. "Thank you. Anong oras nila bubuksan ang fountain?" "Just after sunset, probably at 6 p.m." nag-check siya sa wristwatch niya. "Malapit na." Tumingin-tingin ako sa paligid. Isang paikot na park itong Washington Square na may fountain sa pinakagitna. Nasa ibabang bahagi ito ng New York City.

