"Ms. Henderson, rest up a bit. Inumin niyo muna itong tubig. Hindi makakatulong kung aaksyon kayo basta-basta at magpapadalos-dalos." saad ni Emery. Inalalayan niya kong makaupo sa fabric red sofa rito sa lobby. Ngayong wala na ang mga reporter ay tahimik na ang paligid ko. My hands are shaking, taking the glass of cold water to my slightly opened mouth so I could drink. This night turned out to be a disaster. Nagkaayos nga kami ni Silvestre pero pumasok naman sa eksena si April. Gulong-gulo ang isip ko. April said that she was searching for something which she had heard that could be found here. Iyong hinahanap niya ay si Silvestre? Bakit? Susunduin niya na ba siya pabalik sa Espanya? "Emery, saan sila nagpunta?" tanong ko sa assistant ko na natigilan sa pagkausap sa kung sino man s

