Napunta ako sa isang kuwarto na kung i-imagine-in ko sa kuwento ng haunted house ay silid ng isang mad scientist. May stainless steel autopsy bed doon na may nakahigang manikin na babae na labas ang mga lamang loob. Parang morgue ang lugar dahil kumpleto ito sa mga scalpel, bone saw, at iba pang tools pang suri ng bangkay. Nahindik ako nang may lumabas na totoong tao na nakabihis doktor. Puro dugo ang puting-puti niyang damit at may hawak siyang madugo rin na chainsaw. Pag-on niya nang chainsaw ay umatungal ang bakal na ngipin no'n na kayang gumutay-gutay ng laman. Awtomatiko akong napatili sa takot at tumalilis ng takbo. Sa pagsubok na mahanap ang exit ay hindi ko na mabilang kung ilang panggulat na manikin at katatakutang kalabog na susundan ng kung sinong hahawak sa balikat ko ang t

