Sinundan ko si Dijon na malalaki ang yabag habang tinatahak ang main passage ng penthouse. Nang marating niya ang living room ay humakbang siya ilang baitang pababa sa may lowered fireplace at kumaliwa naman paakyat sa helical staircase. I'm guessing he's going to the master's bedroom. "Dijon, please wait. It's not good for us to fight in front of the child." I lowered my voice so Silvr won't hear me. Humangos ako para maabutan ang bilis ng paglalakad niya. Kanina ko pa siya tinatawag pero hindi niya ko pinapansin. I really cant blame him. It was a major lapse on my part not to remember our 3rd year anniversary. May reminder pa ko no'n sa cellphone pero dahil naka-off nga iyon mula pa kahapon, hindi ako napaalalahanan na espesyal ang ngayong araw. Pagkaakyat ko sa 2nd floor ay tumukod

