In-imagine ko sa tubig ang mukha ng hambog na Silvestre na iyon kanina. Pumulot ako ng pebble at buong lakas na binato ang buwisit niyang imahe sa dagat. Inis man ay maingat ako na hindi mahulog sa seawall dahil humahampas ang alon sa paanan ko. I want to wipe that smug look on his face. He thinks he's so good. He thinks he's better than me— the CEO. "Pinepersonal ko raw siya?" napabuga ako ng hangin, naglalabas ng sama ng loob sa dagat. "Kung ayaw niyang mapersonal hindi na dapat siya bumalik, 'di ba? Sa ginawa niya sa'min ng anak ko ang kapal naman ng mukha niyang humingi pa sa'kin ng respeto? Buwisit talaga!" Naantala ang paghagis ko pa sana ng isang malaking tipak ng bato nang biglang tumigil sa likod ko ang pamilyar na SUV. Niluwa no'n sina Enrico at Maurice na lulan ng sasakyan k

