--Sacha-- "SAAN ka galing?" tanong ni Tanner sa mabalasik na tinig. "Kagabi ka pa umalis, magdamag mong kasama 'yung hayup na 'yun! Anong klaseng talk private ang ginawa nyo?!" tumaas na ang boses nito. "Sumama ako sa kanya dahil pinatawag ako ni Eagle para sa mahalagang bagay--" "Don't try to lied to me, Sacha! don't take me for a fool. I know may something kayo ng hapon na iyon!" he growled angrily. May ilang sandaling tinitigan niya si Tanner na nanggagalaiti sa matinding galit. Mula nang bumalik siya sa White Fence, naabutan niya si Tanner sa silid niya na madilim ang mukha. Kinailangan kasi niyang magtungo kay Eagle upang ipaalam sa kanya na nalaman na ni Eden na buhay si Zeki at nais nitong magtungo kung nasaan ito kaya naman nagpasama siya kay Fuji. Nagpaalam din si Fuji sa

