--Tanner-- MATIWASAY na nairaos ni Sacha ang triplets nila. Sa wakas makakahinga na rin siya ng maluwag. Pinagmamasdan niya mula sa glass window ng VIP Nursey room ang tatlong babies niya na nakalagay pa sa incubator. Kailangan muna nilang manatili ng dalawang linggo doon upang masiguro ang kalagayan ng mga ito. He smiled everytime he saw how they slowly move. Excited na akong mahawakan kayong tatlo. Ilan minuto pa siyang nagtagal doon hanggang sa puntahan na niya si Sacha sa hospital room nito. Nandoon na si Katalin at isang matangkad na lalaki. Ang hula niya ito ang stepbrother ni Sacha. Sumulyap siya, mahimbing ng natutulog si Sacha. Hinalikan niya agad ito sa labi ng makalapit. Thank you, baby..for being strong enough..and wonderful mother to our babies.. Alam niyang hindi biro an

