chapter10

2276 Words
Kinabukasan tumawag nalang sya kay Mang Timyong kung kamusta na ang kanilang pasyente. Naiinis parin kasi sya sa lalaki kaya hindi sya bumalik sa farm ayaw nya muna itong makita pa. Hindi na rin sya nagtanong pa ng kung anu basta masigurado nya lang na nagising ito ay OK na, binaba nya na ang cellphone nya. Tinatamad na din syang bumangon kaya nanatili muna syang nakahiga lang sa kama. (Sa farm) Nagising SI Emman, nagtaka sya kung bakit hindi kwarto nya ang namulatan NG mga mata. Ginising nya Si Andrew na naghihilik pa sa baba NG kama. Napaiyak pa ito NG makita syang nakatayo na. Ikinuwento nya dito ang mga nangyari kagabi at kung sino ang nadala sa kanila doon. Lumabas sya NG kwarto at nakita SI Mang Timyong na nagkakape sa mesa. Naguusap silang dalawa. Nagpasalamat din ito sa kanya at nangako na isa na sya sa mga taong pwede nilang tawagan pag nangangailangan sila NG tulong. Nagpaalam nadin ito kay Mang Timyong. (Sa loob NG sasakyan) “Boss hindi po ba kayo pupunta kay Doktor Abegail para magpasalamat . Sya po kasi ang nanggamot sa inyo kagabi at sya din ang nadala sa inyo sa farm. Kung hindi dahil sa kanya, cgurado patay na kayo.” “Madami pa namang pagkakataon magkikita pa kaming dalawa.” “Boss matanong lang bakit galit na galit kayo sa kanya?” “Hindi ako galit sa kanya” “E bakit ganon mo sya tratuhin lalo na nung nasa site tayo. Awang awa talaga ako sa kanya” “Hindi kasi pwed yong gusto nya. Naka contract na lahat NG mga materyales natin. Nagamit na ang perang binayad ko para mapagamot ang asawa ng suplplier, kung e ka cancelled ko pa yon saan kukuha ang asawa nya. OO ngat maibabalik nya Yong pera pero malulugmok sya sa utang malulugi ang maliit nyang kumpanya. Hindi kasi sya nagiisip” ang ma habang paliwanag ni Emman sa kanya. “E boss dapat sinabi mo yon sa kanya para maintindihan nya.... At bakit mo naman sya binuhusan NG tubig pagkaakyat nya sa butas, nanginig kaya sya sa lamig?. Habol pang tanong ni Andrew. “May lintang nakadikit sa likurang damit nya, binuhusan ko sya para matanggal yun. Kung sinabi ko yun baka nahimatay na sya sa takot palaka na nga lang takot na takot na sya e” “D apat boss sinabi mo parin iyon sa kanya. Para hindi nya ma mis interpret at saka..... “ “ Hay nako tumigil ka na nga ang ingay mo mag concentrate ka NALANG sa pagmamaneho dyan baka mabangga pa tayo”putol nya sa sasabihin pa sana ni Andrew. Hindi namalayan ni Abegail na nakatulog pala sya ulit. Nagising sya sa tunog NG kanyang cellphone SI Anabell ang tumatawag. Sinagot nya iyon at nagkamustahan. Kukunin nya na ang kanyang sasakyan. Naka Park na iyon sa baba, hinatid iyon ni Mang Isidro Kinabukasan.Nagyaya pa itong samahan syang umattend ng wedding ng ex nya. Tumanggi sya pero dahil sa kakulitan nito napapayag narin sya. Daanan nalang sya nito mamayang 6 ng hapon. Hindi na pumasok SI Abe sa opisina nya. Nilibang nya nalang ang sarili sa pakikipaglaro kay Banda sa may sala nito. May Di inaasahang bisita rin syang dumating. SI Bryan e checheck nya lang daw SI Banda. Nang makapasok hinanap nya kaagad ang dalawang malaking ahas paling a linga pa nga ito. Dahilan nya lang pala SI Banda pero ang totoo ang dalawang ahas ang pakay nya. Nagsinungaling nalang SI Abe na inuwi nya ito sa probinsya nila sa Batanggas. Since andun na rin sya chineck nya nga SI Banda. Nagyaya itong mag lunch sa kanila. Dahil birthday daw NG kanyang mama. Hindi na rin naman sya nakatanggi. Sa sasakyan nalang sila NG lalaki sumakay. Nang makarating sila sa bahay, namangha sya sa loob NG makapasok punong puno ito NG mga halaman at may mga maliit na garden ito sa loob. Hindi pangkaraniwan ma’s lalo na ang nasa likurang parti para itong nagmistulang maliit na gubat. May mga bakal na rehas na nakapalibot na maliliit lang ang butas at dinoblehan pa iyon NG glass na makapal. Itinuro sa kanya ni Bryan ang dalawang ahas na nagpapahinga lang sa itaas NG puno. OO malaki ito pero ma’s malaki parin sina Mang kaloy at Mang Delfin kung ikukungpara. Madami silang alagang hayop sa paligid NG bakuran. Dumiritsu sila sa kusina. Binati nya ang Mama ni Bryan. Niyakap naman sya nito. Inaasahang nya na madami ang madadatnang bisita pero sila lang palang 4 kabababa lang din NG hagdan ni Jacob na may bitbit pang rabbit. Niyakap sya nito at Binati. Masaya silang kumain at nagkwentuhan. At nang makatapos kumain naglaro sila NG baraha sa sala. PalagiNG natatalo SI Abe hindi kasi sya masyadong naglalaro nito. Sanay na sanay naman ang dalawang magkapatid. Niyaya sya ni Aling Alicia na samahan sa kusina na kumuha NG Ice cream at cake. Sumunod naman sya dito. Inutusan sya NG Ginang na kunin sa bandang likuran ang mga platito. Habang sya abalang nag sa slice NG cake. Naglakad na sya patungo doon. Nakapatong lang pala ito sa likurang mesa sa likod NG ref. Naagaw ang pansin niya NG makita ang nakabuka na pintuan NG kwarto may mga pagkain kasi doon at May naka sinding mga kandila na Nakapatong sa maliit na mesa.Pumasok sya sa loob NG kwarto at tiningnan ang mga litrato. May nakita syang litrato doon na ka mukhang kamukha ni Jacob. Nang tiningnan nya ang isa Nagulat syan NG makita ang familiar nitong mukha. Kinuha nya pa iyon sa mesa para tingnan maigi. “Iha stepbrother yan ni BRYAN. Ito naman ang Papa niya. Ito naman ang Papa ni Jacob. (kinuha sa kanya ang hawak nyang litrato at ibinalik sa dating pwesto). Alam mo ba Iha subrang swerte namin ni Bryan sa kanila. Subra nila kaming mahal. Kaya lang maaga silang kinuha NG Diyos sa amin.” “Tita Alicia , Ron Emannuel Gomez po ba ang pangalan NG kapatid ni Bryan” “OO Iha, naikwento na pala sayo ni Bryan ang kapatid nya?” ang nakangiting tanong sa kanya NG Ginang. “Ang totoo po, walang nakwekwento sa akin SI Bryan tungkol sa kapatid nya maliban lang sa nasabi nitong mahal na mahal daw kayo. Tita Alicia wag po sana kayong mabibigla pero buhay pa po Yong sinasabi nyong kapatid nya. Sa katunayan po sya po ang Engineer sa pinapagawa Kong factory.” Nakaharap na sabi nya sa Ginang “Nagbibiro ka ba Iha”patawatawa pa itong hinahawakan ang kanyang puso. “Hindo po talaga ako Nagbibiro Tita. Hindi pa po patay SI Emman.” Tiningnan sya NG Ginang na parang nagtatanong pang mga mata. Kaya tumango nalang sya dito. Bigla nalang itong lumuhod at malakas na umiyak nakahawak ang isang kamay sa kanyang dibdib ang isa naman sa mesang napapatungan NG mga litrato. Nagulat siya sa naging reaction NG Ginang sinubukan nya itong patahanin at patayuin sana. Naring ito NG dalawang magkapatid kaya dalidali silang pumunta sa kanila. Pinatayo nya ang kanyang Mama at pinaupo sa dining table nila sa kusina. Binagyan nya NG tubig at sinimulang kausapin. Sinabi NG Ginang na buhay pa ang kapatid nya. At Inutusan sya nitong puntahan iyon kasama sya. Agad syang pinakalma NG magkapatid at pinahinga muna sa kwarto. Pinasamahan nya ito kay Jacob. Sya naman ang hinarap nito pagka tapos. Tina nong sya kung tama ba ang narinig nya sa kanyang Mama. Sinabi din ni Abe kay Bryan ang mga sinabi nito sa Ginang. Halos hindi din makapaniwala ito sa mga naring sa kanya at para patunayan gusto nyang makipagkita dito. Tinawagan nya Si Andrew pero busy daw kasi ito ngaun kaya ayaw makipagkita sa kanya bukas nalang daw NG gabi binigay nito ang address NG meeting place nila. Inihatid sya ni Bryan sa kanyang bahay. At nasabi na bukas NG alas 6:00susunduin sya nito para makipagkita s kanyang kapatid. Pagdating nya sa bahay an doon na pala SI Anabell naghihintay sa kanya. Nakasuot ito NG pink na dress at mukhang nagpaayos pa talaga sa parlor sa ganda NG pagka make up nito. Niyakap nya ito at hinalikan sa pisngi. “Akala ko ba 6:00mo pa ako dadaanan e 5:00 palang ah,” nakangisi itong tinitingnan mula ulo hanggang paa ang kaibigan. “He.... Mabuting maaga baka ma traffic tayo. At tsaka maganda na ba ako friend?” umikot ikot pa ito sa kaibigan. “Oo naman ikaw pa, “ “OK naman kung ganon, gusto ko kasing magsisi ang gagong yon pinagpalit ako sa hipon na babaing yon, at papakasalan pa ha. At ang walang hiya pinadalhan pa ako NG invitation. Akala siguro hindi ako pupunta ha... Makikita nya ang sinayang nya..” “OO na, sige dyan ka muna magbibihis lang ako...” “Bilisan mo ha baka mafade na tong make up ko sa kakahintay sayo”tinulak pa ang kaibigan para magma dali na. Umakyat na sya sa kanyang kwarto at nag suot ng color light blue na dress. Medyo hapit iyon sa kanyang katawan kaya litaw na litaw ang hubog NG kanyang katawan. Tinirnuhan nya ito NG puting sapatos at tinali ang mga buhok at naglagay lang NG manipis na make up. Nang makababa na sya. Mabilis syang hinila nito para makaalis na sila. Sa isang hotel pala gaganapin ang kasal na iyon. At andon narin ang reception pumili sila NG mesa sa bandang likuran. Sakto lang Pagdating nila kaka labas lang NG Bride naglalakad na ito papuntang altar. Panay ang bulong sa kanya ni Ana minumura ang ex nyang may paiyakiyak pa habang naglalakad ang Bride pati nadin ang Bride minumura nya na rin. Hinawakan nya nalang NG mahigpit ang kamay nito kasi Alam ni Abe na dinadaan nya lang sa mura ang sakit na nararamdaman nya ngayon. Mahal na mahal nya kasi ang lalaking ito. Pasalamat nalang sya at kaya nitong pigilan ang mga luha hanggang sa matapos ang seremonya. Nang matapos maraming mga bisita ang nagsipaglapitan sa bride at groom para batiin ito. At isa sa naka agaw NG pansin nya ay ang babaing bridesmaid ata NG bride. Ang best friend ni Allan ang naging dahilan kung bakit sila naghiwalay. Nang makita NG groom SI Anabell lumapit ito sa kanya. Binati naman sya ni Ana at ngumiti pa ito at nagbiro sa lalaki para ipakita dito na hindi sya nasasaktan. Matapus nilang magusap NG maikli bumalik na ito sa kanyang Bride. Doon na Nagyaya mag Cr SI Ana hindi na nya ata kanyang pigilan pa ang nararamdaman. Umiyak sya at sinubukan pakalmahin ang sarili. Niyaya na nya itong umuwi, pero ayaw pa nito gusto nya pa daw kasing makita ang lalaki sa huling pagkakataon. Kaya pilit nyang pinakalma ang sarili at niyaya syang bumalik na naman sa reception. Hinayaan nya lang ang kaibigan NG nasa lobby na sila. Huminto ito at nagpaalam ulit na magcr na naman sa samahan nya sana pero tumutol na ito maghintay nalang daw ito doon. Hindi nya narin ito sinundan pa. Tumingin tingin nalang sya sa paligid para hindi mabagot. Nang ma pansin ang dalawang taong naguusap malapit sa kanya. Lalayo na sana sya NG mapagtantong SI cloe pala ang isa sa taong yon at isang lalaki nakatalikod kasi kaya hindi nya ma kilala pero sa hubog ng pangangatawan nito mukhang kilala na nya ito SI Allan.Nang makita sya ni Cloe agad nitong siniil NG halik ang kausap. Pumalupot pa ang kamay nito sa leeg NG lalake. Biglang tumalikod sya NG makita ang eksinang yon. Pero hindi nya napansing may waiter pala na dumadaan na sakto naman pagtalikod nya kaya nabangga nya ito at nabuhos sa may gilid nya ang dala nito bucket na may mga lamang ice cube. Nabasa ang damit nya sa tagilihan hanggang sa baba nito. Napalingon naman ang lalaki sa kanya. Humingi NG paumanhin ang waiter sa kanya. Ganon din naman sya dahil alam nya na may kasalanan din naman SYA. Lumakad na sya papuntang cr, naring nyang tinawag ang pangalan nya ni Allan. Lilingon sana sya NG Biglang may umakbay sa kanya at hinila sya nito palakad diretsu papuntang CR. Susundan pa sana sya ni Allan pero NG makita itong inakbayan NG lalaki nahinto NALANG ito at tiningnan ang papalayong SI Abegail at ang lalaking nakaakbay dito. “Akala mo ba talaga na nag bago na ang ex mong yun. At asang asa ka parin na mahal na mahal ka nya. Siguro nman nahimasmasan kana NG mabuhusan ka NG iced cube NG waiters”pabulong na sabi sa kanya ni Ron Emmanuel habang nakaakbay ito. Nagulat ito sa mga sinabi nya. Pano nito nalamang ex nya ang Allan na iyon. Supalpalin nya sana ito NG pasagot pabalang kaya lang naisip nya na baka hindi ito sumipot sa usapan nilang dalawa bukas. Ngumiti NALANG sya dito at pasimpleng tinanggal ang kamay na nakaakbay sa kanya. Pero bago nya natanggal iyon sumayad ang mga kamay nito sa mga buhok nya at hinawakan nito ang tali, na naging result NG pagkabagsak NG kanyang mga buhok at hinawakan nya pa ang ulo nya, at ginulo gulo ang buhok nya. Naiinis man ay hindi na nagsalita pa SI Abegail tiningnan nya NALANG ito NG naunang Lumakad sa kanya. Pumasok sya sa loob NG CR at nadatnan doon na umiiyak parin SI Ana. Nagulat ito NG makita syang basa at hindi na nakatali ang mga buhok nya. Tinanong nya ito kung anong nangyari. Hindi nya ito sinagot at niyaya NALANG ang kaibigan umuwi na. Lumabas na nga sila NG hotel at sakay ang kotse ni Ana umuwi na sila. Inihatid sya nito sa bahay nya at nagpaalam narin na uuwi na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD