Pagdating nila sa bahay nila sa syudad isang kaibigan nya ang sumalubong sa kanya. Niyaya sya nitong magbakasyon sa bayan nila. Pumayag narin SI Abegail para makapagisip isip at maiabsorb sa utak at puso nya lahat NG nalaman nya. Nagpaalam sya sa mga ka team nya na isang linggo syang hindi makakasama sa medical mission nila. At dahil iniwan nya ang kanyang sasakyan sa dati nilang bahay. Ang sasakyan ni Anabell ang ginamit nila. Kaklase nya ito NG High-school, lagi nyang nakakasama sa library o sa canteen man. Nagkahiwalay lang sila nung college dahil sa ibang bansa sya nagaral, ito namay nagkuha NG kursong accounting, kaya sa bangko ang trabaho nito. As usual NG nasa syudad pa sila naipit sila sa traffic. Ilang oras din sila bago umusad. Makuwento SI Anabell kaya buong byahe nya hindi sya nabagot. Nang papasok sa sila sa bayan nilibang nya ang sarili sa panunuod NG mga punong kahoy sa Daanan. May rest house sila sa isa sa mga subdivision sa kanilang bayan. Pagbaba palang sa sasakyan langhap mo na ang masarap at malakas na hangin. Dalawang palapag ang bahay dinala sya ni Anabell sa may balkonahi sa ikalawang palapag NG bahay. Tanaw doon ang mga punong kahoy at mga damo. Magkalayo layo kasi ang mga bahay doon maliban lang sa may likuran may 3 palapag na bahay na under construction pa. Naiwan sya sa balkonahi magisa, pumunta kasi sa kusina SI Abegail para humanap NG pagkain. Nang makabalik hindi lang pagkain ang dala nito may dala din itong isang bucket NG redhorse. Kumain muna sila NG dala nitong instant noodles.,may dala din itong mga curls na naging pulutan nila. Nagsimula na naman magkwento ni Anabell sa kanya, kung anuanu lang ang maisipan nito, hanggang sa naka tatlo na ito NG bote pero sya hindi pa nya nauubos ang isa. Nagopen narin ito kung bakit sya nagyaya magbakasyon kasi kaka break lang pala sa 4 years nyang boyfriend. Humahagulgol na ito NG iyak.
“Ang gagong yun pagkatapos kung ibigay sa kanya ang lahat... Ang lahat, lahat iniwan nya parin ako. Ma’s pinili nya parin ang hipon na yun ang ganda lang NG katawan e... “ sinundan pa NG malakas na iyak nito.
Hinimas himas naman nya ang likuran nito para mahimasmasan. Kung tutuusin maganda naman kasi talaga ang kaibigan nyang ito medyu chubby lang pero may curve parin.
Nagkwento pa ito NG sama NG loob sa kanya. Mga happy memories nila NG dating boyfriend. Tahimik lang ding nakikinig sa kanya SI Abegail. Hanggang sa nakatulog na ito. Nakalimang bote na kasi ito pero SI Abegail dalawa pa lang. Ginising nya ito at inilalayan papasok sa kwarto. Bumaba sya sa unang palapag NG bahay para e lock ang mga pintuan at sinunud ang paglock sa itaas na palapag. Pumasok na din sya sa kanyang kwarto. May maliit din palang balkonahi doon. Nagpahangin muna sya. Kitang kita ang malaking bahay na may gumagawang construction worker. Nang makita sya kumawaykaway pa nga ito. Tipid lang na ngiti ang tinugon nya sa kanila. Sa ikatlong palapag matatanaw na may 3 taong naguusap doon na puro may mga construction helmetcup angisa ay parang engineer dahil sa suot nitong pulang longsleve na tinupi ang dulo at nakaitim na maong na tinirnuhan NG putting robber shoes ang dalawa ay mga construction worker dahil sa suot nito. Agaw pansin talaga ang mukha NG lalaking Inisip nyang engineer. Ang gandang pagmasdan NG mukha nito parang napakamisteryuso. Mukhang hindi rin ito palangiti, ang tipong palagiNG seryuso. Napakakisig din NG katawan, fit ito na hindi naman kaliitan. Napangiti NG bahagya SI Abegail kasi ngayon lang sya na attract sa isang lalaking may pagka suplado tingnan at parang ang sungit at napaka imperpectionist. College NG huli syang nagkaboyfiend pero halos kabaliktaran ito NG lalaki. Palangiti kasi ito at ang pleasant at approachable tingnan. Nakadagdag pa ang dalawang dimple nito sa magkabilang pisngi na dumagdag sa kanyang kagwapuhan. Kun hindi lang sa best friend nitong SI Cloe nahuli kasi nya silang magkatabing walang mga saplot sa katawan. Hay tama nga talaga ang kasabihang “Daig NG malandi ang maganda”
“Hay naku Abegail naalala mo na naman ang Allan na yun”ang pagalit na sabi sa sarili.
Sasarhan na sana nya yung sliding door sa balkonahi NG may marinig na malakas na pagbagsak sa lupa. Mga tubong ginagawa NG tawiran NG mga construction worker ang nasira. At isa sa kanila naglalambitin na sa dulo NG isang tubong nagbabanta na naring mahulog. Madilim sa parting yun kasi nahulog narin dala NG mga tubo ang rechargeable na ilaw sa gawing iyon. Nagulat pa sya NG may ma kitang ahas mula sa rooftop NG gusali na bumababa sa ikatlong palapag palapit sa naka biting construction worker. Bago pa man sya mahulog pumuluput ito sa kanyang katawan at inakyat sya pa punta sa itaas. Ang mga kasamahan nya ay nagsipagakyatan para sana tulungan sya pero Nagulat NALANG sila NG makita itong nasa taas na wala NG malay. Pati sya Nagulat sa mga nakita, pumasok sya sa banyo atnaghilamos at saka binalikan ang nakita nya.,baka kasi namalikmata lang sya, baka lubid lang ang nakita nyang yun,o kaya baka dala lang NG ininum nyang alak at ang naguguluhan paring katutuhanan tungkol sa mga ahas na pinuprotiktahan NG kanyang mgamagulang. Nakatulugan na ni Abe ang mga iyon
Kinabukasan nagising sya alas 10 nang umaga, dumiritsu na sya sa banyo at naligo. Paglabas nya NG kwarto naabutannya SI Anabell na nagluluto, naupo lang syat tiningnan ang kaibigan sa ginagawa nito.
“O okay lang ba yung tulog mo, hindi ka ba naisturbo NG mga tunog NG mga construction worker dyan sa likod nag overtime at a sila kagabi?”ang pambungad sa kanya ni Anabell
“Hindi naman Ann OK naman yung tulog ko, siguro sa ininum natin kagabi”
“Oo nga e ako nga hindi ko na maalala kung paanu ako nakapasuk kagabi sa kwarto, nahirapan ka a sakin?” sinabayan pa ito ni Anabell NG tawa.
“Hindi naman ah pinagulong lang naman kita papasok sa kwarto mo tapos sinipa”ang pabirong sagot nito
Nagkatawanan NALANG din silang magkakaibigan.Pagkatapos nilang kumain pumunta sila sa Skyranch doon. Sumakay sila sa mga rides at nag enjoy talaga silang dalawa. Ang dami din nilang napagkwentuhan. Kumain muna sila sa mga restaurant doon at isa sa mga I order nila ay ang bulalo dahil kilala ang bayan nila sa masarap nitong bulalo. Mga 9 na sila nakauwi na rest house NG tumunog ang cellphone nito. Ang mama nya ang tumatawag.
“Yes mom”
“Anak pwed bang umuwi ka muna dito ngayon naaksidinte kasi ang kuya mo sa Singapore at nasa ICU ito ngayon gusto ka kasi namin makausap NG Daddy mo bago kami umalis bukas NG umaga 5 am kasi flight namin. May ibibilin kasi kami sayo”Ang pakiusap sa kanya NG kanyang Mama Amalia.
“OK Mom cge po”ang naging mabilis nitong tugon
“Abe gamitin mo NALANG yong sasakyan ko para ma’s mabilis kang makauwi sa inu” ang offer sa kanya ni Anabell NG marinig ang paguusap nito sa kanyang Mommy.
“ E panu ka?”ang pagtutul nito sa kaibigan.
“OK lang magpapasundo NALANG ako sa kapatid ko kung gusto ko na umuwi at saka OK lang na wag ka ang bumalik , alam ko na marami kanang aasikasuhin dahil aalis ang mga magulang mo. Tatawagan NALANG kita para kunin ang kotse ko sayo.”
“Sure ka ha, thank you Ann.” Sabay yakap at halik sa kaibigan. Pumasok sya saglit sa loob para kunin ang mga gamit nya at mabilis na sumakay sa sasakyan.