Chapter 6- Bistado

2696 Words
Napaka manyak talaga ng lalaking yun! Nanggigigil ako sa kanya! Ang sarap nyang sakalin! Ninakaw nya ang first kiss ko tapos hinawakan pa nya ang inaalagaan kong Keeps! Binalya ko ang pintuan nya dahil wala akong paki kung masira man yon. Mapangahas! Iisip nalang ako ng paraan para hindi na ulit mag cross ang landas naming at baka hindi ako makapag pigil sa lalaking yun! Naturingang pulis e napaka manyak! Dito ako bumaba sa eskenitang madalas kung daanan pero malayo pa talaga dito ang bahay ko. Tatlong kanto pa pero dito ako nagpababa dahil ayaw kong malaman nya kung saan ako nakatira. Pagdating niya sa bahay ay parang gusto niyang sabunutan ang sarili. Gusto nyang ibigay ang first kiss na yon sa mapapangasawa niya. Tapos basta nalang ninakaw ng Villa na yon! May araw din talaga ang lalaking yun sakin! Sa subrang panggigil niya sa lalaki ay nakalimutan niya na meron nga pala siyang lakad. Sinipat ko ang orasan. Hay naku! Quarter to 7 na pala. Kailangan ko ng magmadali dahil tumawag ang aking tauhan na namataan daw nila si Governor Feranco sa Batangas pier na pumunta sa Montenegro Lane para kumuha ng pass pabalik ng Romblon 10pm raw ang kinuha niyang schedule. Kailangan na niyang makaalis. Mabuti na lamang at naiuwi na niya si Dayton para hindi na siya mahihirapan. Dahil Turbina ang daan niya. Mas mabilis siyang makakarating ng Batangas pier kong magmomotor siya kesa mag 4 wheels. Nagbihis na siya ng isang all black overall na fitted at stretchable para mabilis siyang makakagalaw tapos pares ng boots na flexible sa paggalaw niya. Isinuot na rin niya ang kanyang helmet. Kailangan niyang magmadali dahil kung hindi ay wala na siyang aabutan. Halos mag aalas nuebe na ng makarating siya sa pier ng Batangas. Kailangan niyang maging alerto dahil iilan lang ang mga sasakyan na naka park. Halos naka alis na lahat ng barko nakita niya agad ang Montenegro ship na sasakyan ni Governor Feranco. Pumesto siya sa hindi masyadong pinupuntahan ng mga guards pero sapat na upang Makita niya ang mga nangyayari. Kinuha niya ang kanyan maliit na binocular saka tiningnan ang mga nangyayari. Namataan agad niya ang sasakyan ni Governor Fernco. Ngunit nagulat sila ng may biglang dumating na sasakyan at mula doon ay bumaba si?!. . . Villa? Tang gala naman oh! Anong ginagawa ng lalaking yan dito walang hiyang Ninja Manyak! Bat kasama nya ang lalaking yan! Napahilamos siya sa kanyang mukha. Kailangan talaga niyang makalapit upang mapakinggan ang pinag uusapan ng mga ito. Nagpalipat lipat siya ng pwesto ngunit yung tipong hindi halata. Binago niya ang itsura ng kanyang damit. At sinuot ang tshirt na inihanda niya para kunyari ay isa sya sa mga nag aantay ng barko. Lumapit siya sa may may ticket station kung saan naruruon malapit sina governor. Kunyari yumuko siya at nagtali ng sintas dahil biglang lumingon si m******s baka makilala ako. Inayos muna niya ang kanyang sumbrero saka nag kunyaring mag iinquire siya kung magkano ang ticket dahil may mangilan-ngilang naka pila. Nakasuot siya ng baseball cap at white t-shirt na simple lang pinatong niya ito sa over all na suot niya para naman hindi siya makatawag ng pansin sa suot niya. Ipinarada din niya si Dayton sa abot ng kanyang mata. Nagtatawanan pa sina Governor Feranco at ang hudas na lalaki kaya naasar talaga siya rito. Ano kayang connection nito kay governor. “Next po. . “ tawag ng cashier sa loob ng counter. Mukhang mapapabili yata siya ng ticket ng wala sa oras ah. Pero kailangan niya kaya wala siyang choice. Odiongan po Ma’am. Sambit ko. “Regular po ba?” tanong nito. Yes po. Sagot ko. Hindi ko parin gaanong marinig ang pinag-uusapan nila nangingibabaw kasi ang boses nitong walang hiyang Ninja Manyak! Nakita ko ang gilid ng labi nito na medjo putok. Napangiti tuloy ako ng bahagya. Buti nga sayong m******s ka. Nakadalawa ka sakin ngayon e. Sa isip-isip ko, sumama na naman ang timpla niya dito dahil sa ginawa kanina. Mabuti nalang iniba niya ang ayos ngayon kaya imposibling makilala siya nito. “Heto na po Ma’am ticket nyo. 15 mins. From now, aalis na po ang last trip to Odiongan kaya deretso na po kayo Ma’am sa loob. Terminal 3 po kayo pumasok”. Sabi ng babae. Nagtapon na naman siya ng 800 pesos ngayon pero wala naman siyang choice dahil kailangan. Hindi naman kasi talaga siya sasakay ng barko. Sige ho, salamat. Sa gilid ng mata ko ay namataan ko ang isa sa mga tauhan ni Governor kaya naman nagkunyari akong nagpapalinga linga. Magkukunyari akong naghahanap ng CR at lalagyan ko ng device ang jacket nito para ma monitor ko sa aking mini tablet mamaya ang mga pinag-uusapan ng mga ito. Ahmm, kuya, kinalabit ko kunyare ang isa sa mga tauan ni Governor, pero pasimple kong idinikit ang napakaliit na device sa kanyang jacket good naman dahil itim ang jacket nito. Hinding hindi mahahalata ang ultimo ga-tuldok na device na dinikit ko. “Ano yun, lingon nito. .” Ahm, alam nyo po na kung saan ang CR dito, na jijingle na kasi ako e. Sabi ko na kunyari nagpipigil sa pants. “Ah, Yan yata Ms o, sa gilid. Turo nito sa bandang dulo ng ticket counter. Umikot ka nalang jan sa kabila.” Sabi nito. Buti naman mabait yung si kuya! Ayos. Sige po salamat kuya. Tumuloy na rin ako dahil totoo naman talagang naiihi na ako. Timing na timing talaga. Nasa loob na ako ng cr at ikinabit ko na ang aking headphones na maliit. Ayos naririnig ko na ang pinag-uusapan nila ng mas malinaw kahit pa sila ay sumakay na ng barko maririnig ko parin. Subrang hanga ako sa device na yan na nabili ko sa black market noong nakaraan. Kahit pa ilang kilometro ay kaya nitong ma monitor ang isang bagay. “Paano ba yan James magkita nalang ulit tayo sa susunod. Mukhang gusto ko yung proposal mo saka tingin ko magugustuhan ng mga kleyente ko yan”. Sabi nito “Sige ba Tito. basta ikaw nanginginig pa! hahaha” sabay nagtawanan ang mga ito. “Sige Tito regards mo nalang ako sa aking kay Jolo. Baka pwede kamong bisitahin nya naman ako kapag lumuwas siya”. “O sige sige. Basta kung may oras ka rin ay pwede ka naming imbitahan sa bagong bukas naming resort don. Sigurado mag eenjoy ka. “ Naririnig parin niya ang mga usapan ng mga ito. Kailangan na niyang umalis dahil baka makilala pa siya ni m******s. So ibig sabihin malapit pala ang Villa kay Governor Feranco. Mukhang mahirap-hirap itong aking assignment ngayon ah. Kailangan ko ring mag ingat kay Ninja Manyak baka makilala pa ako nito at masira ang aking mga nilulutong plano. Pambihira mukhang nasa paligid lang nito ang mga kaaway nito. Walang kaalam-alam. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at kunyari ay umikot ako bahagya sa kabilang building at hinubad ko na ang aking ipinatong na T-shirt pagkatapos ay tinapon ko sa basurahan para walang makahalata. Namataan ko kasi sa di kalayuan ay naka park din ang sasakyan ni Ninja Manyak e. Buti nalang hindi gaanong maliwanag ang mga ilaw dito sa Pier kaya mas madaling kumilos. Wala ding halos CCV dahil mag vivibrate ang aking relo kung meron man. Hindi ito basta ordinaryong relo dahil ang kamay nito ay kumukumpas sa direction ng CCTV kung meron man. Kaya madali ko ring malalaman. Sumakay na ako sa aking motor. Naku Dayton! Mukhang mahirap-hirap itong mission natin ngayon ah. Matagal tagal kitang maisasabak sa mission na ito. Pabulong kong sambit at pinatakbo ko na rin ang aking motor sa kahabaan ng highway. Uuwi na ako dahil kahit papano ay may ideya na ako sa mga taong hahanapin ko. Ang magiging problema ko nalang ay itong lintik na m******s. Kailangan kong umisip ng paraan para hindi mag cross ang aming landas o kaya’y mapagsolo at mukhang hindi ako titigilan nito hanggat di ako nagagahasa e. Juice colored naman talaga! Bakit naman napaka manyak nitong lalaking ito! Hindi din nya pwedeng malaman na ako ang nag-iimbestiga sa kaso ng mga magulang nya at tatay ko at baka mapornada pa ang aking 3 million. Pera na maging bato pa. JZ’s Corner Kailangan kong makahanap ng ebidensya tungkol sa parents ko. Napaka suspicious kasi ng naging findings sa kaso nina daddy at ng general na namatay dahil sa ginawang re-imbestigation . Dapat mas masusi itong inimbestigahan ni Tito Fred. Nakakapag taka lang na naclose case ito ng ganon ganon nalang. Siguro kailangan kong paunlakan ang anyaya nito papuntang Romblon mukhang may matutuklasan akong impormasyon doon. May suspetcha na ako na may kinalaman si tito Fred sa pagkakaclose ng case dahil siya ang hepe ng mga panahong yun. Ano na kayang mga ebedensya ang hawak ng nag iibestiga sa kasong ito. Naiisip ko lang kung kumikilos ba talaga ito. Pinaandar ko na aking sasakyan ng mamataan ko sa side mirror ang isang babae na sumakay sa isang Triumph Daytona bibihira lang ako makakita ng babaing nagmamay-ari ng racing motorbike kaya para sa akin mga astig sila tingnan. Ngunit napakunot ang aking noo ng mapansing familiar ang boots nito, teka? Ito yung napansin kong babae na lumapit sa isa sa tauhan ni Tito Fred kanina ah. Pero ang suot nito ay iba kanina pero hindi ako magkakamali sa boots na suot nito dahil napansin ko iyon kanina ng yumuko ang babae at nagtali ng sintas. Mukhang pamilyar ang pigura nito kaya natitigan ko saglit kanina. Kinutuban ako kaya pasimple kong pinaandar sa medjo malapit nito pero mabilis ang mga hakbang nito at pinaharorot na ang kanyang motor. Hmmp. . Baka naman nagkataon lang o baka kamukha lang. Pinagwalang bahala ko na lamang. Bigla kong naramdaman ang hapdi sa aking pumutok na labi kanina. Pangbihirang babae yun! Mukhang maniniwala na yata ako na tomboy yun! Aba napaka tapang e! Pero ang sarap ng mga labi nito. Yung tipong wala pa akong natitikman na ganon parang wala pang nakakahalik. Napangiti ako dahil kahit papano ay nakaisa ako dito. Ito ang unang beses na may babaing hindi naaakit sa aking kagwapuhan ah! Hindi naman ako papaya na ma reject. Wala pang tumatanggi sa akin na babae at wala pa akong nilapitan na umayaw kaya na chachallenge ako sa isang ito. Iisip nalang ako ng malupit na plano. Napapangiti talaga ako sa itsura nito kanina. Mukha syang nanakawan ng 1 million. Pero masakit masuntok bat ba ng lakas ng babaing yun! Barko Scene Anong oras na ay hindi pa ako makatulog. Tinitingnan ko lahat ng nakuha ko ebedensya, hindi siya related sa case na hinahawakan niya pero sapat na iyon upang makulong si Governor Feranco kung sakali nakatulong ng Malaki ang device na dinikit ko sa jacket ng isa sa mga tauhan nya sa Pier noong nakaraang gabi. Sila pala ang utak ng pagsusulong ng illegal na minahan ng ginto sa probinsya isa lamang yun sa aking nakuha pero hindi pa talaga sapat. Kailangan kong mag live sa school. Naku! Pahirapan pa naman mag live pag ganitong papalapit na ang exam. Basta bahala na! Hindi pwedeng tumagal ang case na to kasi lalong maaapektuhan ang trabaho ko sa school kapag di ko kaagad ito trinabaho. Tatawagan ko muna si Boss ipapaalam ko lang na kailangan kong mag byahe papuntang Romblon. Magbabyahe ako pero nag iisip pa ako kung anong sasakyan ang gagamitin ko dahil tatawid ako ng dagat. O wag nalang kaya akong magdala ng sasakyan? Magbabarko din naman ako e. Almost 10 hours din ang byahe sa barko. 2 days later. . . . Nakapag desisyon din akong wag ng magdala ng sasakyan, mabuti nalang pinayagan akong mag live ng 3 days kaya subrang tuwa lang talaga! Wew! Tinawagan ko na rin si Sir Andy na kailangan kong tumawid para sa imbestigasyon. Hindi na ako nag aksaya pa ng panahaon at nagsimula na akong mag impake. Na eready ko na rin lahat ng activities sa school na kakailanganin ng sub teacher para sa live ko. Nagsimula na akong mag byahe nagsuot din ako ng salamin at iniba ko rin ang ayos ko. Kailangan maging low-profile lang para walang makakakilala sa akin. It’s already 4 pm at nakasakay na rin ako ng bus sa Turbina papuntang Batangas pier. Isang backpack na saktong sakto lang ang mga kailangan kong gamit para sa 3 days mission ko hindi lang basta backpack ito na pang travel dahil ang bag ko ay may protective sheets na nag preprevent para ma detect ang mga armas na nasa loob. Ibinalot ko ang mga armas at inihalo ko sa mga underwear ko. Pagdating ko sa Pier ay agad akong bumili ng ticket. At umakyat na sa barko. Ang ganda ng pwesto ko dahil malapit ako sa bintana at sa upper bed pa ako. Mas gusto ko talaga sa taas ang higaan dahil ayaw ko ng maraming palakad-lakad habang nagpapahinga ako mas may privacy din kasi kapag nasa taas. Tumambay muna ako sa view deck upang panuorin ang mga pasahero na pumapasok pa. Ilang minute nalang kasi ay aalis na ang barko. Ngunit na gitla ako dahil may namataan ako nilalang na ayaw na ayaw kong Makita! Bakit ba andito naman to! Parang sinusundan ako nito! Letche talaga oh! Napaka malas ko talaga. Si Villa lang naman ang nakita ko at nagpapakita ng ticket at permit ng sasakyan nya sa crew. Kailangan ko talagang mag ingat dahil mukhang parehas kami ng sadya. Wag lang talagang mag crocross ang landas namin! Masisiraan na yata ako ng ulo dahil naalala ko na naman ang kamanyakang ginawa nito sa akin. Bumalik na ulit ako sa bed ko. Problema talaga din kapag nasa taas mahirap umakyat kasi masikip. Humiga na muna ako at pinikit ko ang aking mga mata. Niyakap ko nalang ang aking bag. Naramdaman ko naman na may umakyat sa katabi kong upper bed. Pero hindi ko nalang pinansin hanggang sa maka idlip ako. Iminulat ko ang aking mata nasa laot na pala kami ngunit napatingin ako sa katabi kong bed nakatalikod ito sa side ko ngunit nagulat ako ng biglang bumaling ang mukha nitong nakapikit sa akin. Sh*t si m******s! Pinaglalaruan yata ako ng pagkakataon pero teka, bakit ang gwapo nito habang nakapikit at natutulog yung parang anghel ang gwapo pala nito. Sana wag nalang itong gumising dahil kapag gising ito ay nag tratransform sa isang mahalay na nilalang. Kumabog ang dibdib ko lalo ng mapadako ang tingin ko sa labi nito, halatang hindi ito nag yoyosi dahil mapula-pula ang labi nito. Bigla ko nanamang naalala ang nangyari nong nakaraang araw! Sh*t! Kahit na nagulat ako non ang sarap nito humalik. Bago yung ganong feeling dahil first time ko pero may naramdaman akong kakaibang init. Subrang gulat ko ng magmulat ito ng mata. . At nakangisi sa akin. “Pinagmamasdan mo ba ako sweetheart?” mahinang pahayag nito. Kaya napaiwas ako ng tingin dahil baka makilala ako nito. Ibinaling ko nalang sa kabilang dereksyon ang aking katawan dahil nag-aalala ako baka makilala niya ako. Magkatabi lang yung bed namin tapos isang line lang ng bakal ang nakaharang. Ng bigla itong bumulong sa puno ng tinga ko. Subrang lapit nya at ramdam na ramdam ko ang mabango niyang hininga amoy mint talaga ito at nagiging familiar na sa akin ang amoy. “Hello pretty girl, are you shocked? Shock din ako sayo na nakita kita kanina while you are sleeping. What a small world sweetheart. “ Bahagya pa nitong hinalikan ang puno ng tenga ko at yumakap pa ito sa baywang ko. Hindi ko alam ang gagawing dahil maraming mata dito sa barko. Hindi ko ma explain ang pakiramdam. Kinalma ko ang aking sarili at sinagot din siya. Sir, pakialis po ng kamay nyo. Nagkakamali po kayo. Hindi ko po kayo kilala sabi ko. Ngunit lalo lang humigpit ang pagkakayakap nito sa bewang ko at inilapit niya ang ulo sa aking batok. “Sweetheart, you can fool anyone but not me. Alam ko ang amoy mo. Hindi mo ako kayang linlangin dahil lang sa ayos mo”. Paos na bulong nito sa may liig ko and I was frost when he licked it. Sh*t mukhang bistado na ako! Napakamalas ko namang nilalang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD