"MASAKIT na Azi!" sigaw ni Ava habang sapo nito ang tiyan. "Malapit na tayo, Baby," natatarantang sagot niya. Hinarap niya si Marco na siyang nagmamaneho. Dapat siya ang mangmamaneho kanina, kaso ito na ang nagprisintang magmaneho. "Bud, pakibilisan!" "Imbis na pakalmahin mo ang asawa mo, pati ikaw nagpapanic na rin. Malapit na tayo, konting tiis na lang." sagot nito. Napatingin siya sa kaniyang asawa nang mariin niting pinisil ang kamay niya. Kita niya sa mukha nito ang sakit na nararamdaman. Hinalikan niya ito sa noo para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam nito. "Malapit na tayo, Baby," aniya rito na nasa mahinahong boses." Ilang minuto ang lumipas...inihinto ni Marco ang sasakyan sa tapat ng emergency ng Imperial Hospital. Agad na tumalima ang mga nurse para maingat na maihiga
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


