Chapter Twenty Five

2252 Words

PAGKAMULAT ng mga mata ni Ava ay agad na tumuon ang mga mata niya kay Azi na mahimbing na natutulog sa tabi niya habang nakadantay ang braso nito sa baywang niya. Tipid siyang napangiti dahil muli niyang naranasan na gumising at ito ang katabi niya. Akala niya hindi niya na ulit ito mararanasan pa. Marahan niyang inalis ang braso ni Azi at maingat siyang bumangon para hindi maputol ang tulog nito. Mahina siyang umungol nang makaramdam ng konting sakit sa kaniyang balakang at mga hita. Pinamulahan siya ng mukha nang maalala kung ilang beses nilang pinagsaluhan ang nagdaang gabi. Dinampot niya ang roba na nasa sahid at agad iyong sinuot, pagkakuway ay humakbang siya palabas sa balkonahe na kanuog ng kwarto nito. Humugot siya ng sariwang hangin at marahan iyong ibinuga. Wala siyang hinihi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD