Chapter 24: Plano Nang sakay na si Skye ng taxi pauwi sa kanilang bahay, saka naman parang tukso na muling bumalik sa kaniyang alaala ang lahat ng mga sinabi ni Mrs. Tiwaquen. Bagaman may katotohanan ang lahat ng mga sinabi nito, masakit pa rin iyong tanggapin lalo pa at ang nagsabi ay mismong ina ng lalaking pinakamamahal niya—ng lalaking handa na niyang pakasalan at makasama habang-buhay. Napakagat-labi siya, saka tinanaw ang malinis na kalsada na dinadaanan ng sasakyan. Masisisi ba siya kung ganoon ang sinapit ng kaniyang mga magulang? Hindi nila kasalanan ang maging mahirap. Lalo’t higit wala siyang kasalanan kung paano siya nagkasakit at eventually ay naoperahan ni Winston. “Skye…” salubong sa kaniya ng Ate Suzy niya pagdating niya sa bahay. “O, bakit ganyan ang hi

