Chapter 33: Alok na Kasal Huminga muna nang malalim si Skye bago sumagot kay Winston. “Okay,” aniya sa mataray pa ring tinig. “That’s good.” Binalingan nito si Apple na naroon lamang at nakamasid sa kanila kanina pa. “Lalabas muna kami ni Skye, Apple.” Hindi na hinintay ni Winston na makasagot ito saka inakay na siya palabas ng clinic habang ang isang kamay nito ay nakahawak pa rin sa kaniyang braso. Nakarating sila sa isang coffee shop katapat lamang ng hospital na kinaroroonan ng clinic nito. Pinili nila ang puwesto sa ikalawang palapag para makapag-usap sila nang maayos ni Winston dahil kaunti lamang ang costumers na nasa second floor ng coffee shop na iyon. Umakyat sila sa marmol na hagdan doon saka sila dumiretso sa gawing dulo ng pasilyo. Medyo mapusyaw ang i

