Chapter 15: Saranghae Mahigit isang linggo pang nag-stay sa ICU si Skye bago siya nailipat sa isang private room. Nagpahinga pa siya nang isang linggo bago sinimulan ang kaniyang physical theraphy. “Ganoon pala iyon. Kapag matagal kang nakahiga, nakakalimutan ng mga paa mo kung paano maglakad,” napapagod na sabi ni Skye kay Winston pagkagaling niya sa first session niya sa kaniyang physical theraphist. “One week lang naman ang theraphy mo, Skye. Twice a day lang. Paglabas mo, ire-require kitang bumisita sa PT mo twice a week within a month,” sabi ni Winston na nasa likuran niya at itinutulak ang wheel chair niya. Pagdating nila sa kaniyang silid, tinulungan siya ng private nurse niya na kinuha ni Winston para sa kaniya na maihiga siya sa kama. Pagkatapos ay lumabas na an

