Chapter 35: Komprontasyon True to his words, naging mabilis ang proseso para maoperahan si Aling Vicky. Naalala pa niya ang reaksiyon ni Vanessa dahil doon na siya dumiretso pagkatapos nang naging pag-uusap nila ni Winston. “Ate Skye, maooperahan na daw si Mama,” mangiyak-ngiyak nitong balita sa kaniya. Nasa byahe pa lang si June noon pasunod sa kanila sa ospital. “Talaga? That’s good news,” tanging nawika niya habang yakap ito. Hindi na muna niya binanggit dito ang naging ambag niya para maasikaso agad ang operasyon na iyon ng mama nito. Kahit noong mailipat na sa private hospital na kung saan naroon si Winston para operahan na si Aling Vicky ay wala siyang binabanggit sa mga ito. Hindi rin naman kasi nagtatanong si Vanessa. Siguro ay dahil aligaga ito sa pag-aasikaso sa ina nito. Ki

