Chapter 42: Pighati Napasandal si Skye sa headrest ng upuan ng taxi na sinakyan niya. Papasok na siya noon sa school nang mapatingin siya sa bandang kanan ay napakunot-noo siya nang makita si Janine. Tiningnan niya ito nang maigi at nakumpirma niyang ito nga iyon. Ewan niya kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kaba. Tinted ang salamin ng taxi kaya hindi siya makikita ni Janine nang bumaling ito sa gawi niya. Lalong lumalim ang pagkakakunot-noo niya nang masilip kung sino ang nasa driver’s seat. Ang asawa niyang si Winston! O baka namamalikmata lang siya. Ang alam niya ay nasa hospital lang ito dahil may emergency patient daw ito. Nakamaang na nakatingin siya sa mga ito nang umandar ang sasakyan ng mga ito. Parang may sumipa sa kaniyang dibdib ng mga oras na iyon. Hindi nga siya namamal

