TAHIMIK SI ALEXA habang lulan siya ng sasakyan ni Blue. Inaya siya nitong mamasyal ngayong araw. Nakangiti at nakatanaw siya sa tagiliran ng bintana. Wala siyang alam kung saan ba siya nito dadalhin dahil sa nahuhulaan niya mahigit kalahating oras na sila nitong nagbibiyahe. Gusto niyang pagmasdan ito habang nag sa drive dahil sa mukha nitong msy pagkaseryoso pero hindi hadlang iyon sa itsura nito. Lalong naging gupawo ito sa paningin niya, idagdag pa kung manamit ito tila ba hindi papatalo sa mga nakikita sa telebisyon. Datapwat iwas naman ang magkabila niyang mga mata sa pakikipagtitigan. Gulat pa siya ng biglang lumiko ito at pumasok sa isang matalahid at may kapunuan at ng huminto ito, namangha siya sa nakita. "Nagustuhan mo ba?" usal nito sa pagkabigla niya habang nasa loob pa rin

