Parang tumigil saglit ang mundo ni Andrea sa pangatlong pagkakataon nang makaharap niya si Claudia. Namumula ang kanyang pisngi. Naisip niya na sana ay hindi na niya ito makausap uli. Ang mas masakit pa ay nang malaman niyang naging babae ito ni Rafael, na mas nauna pa pala, kaysa kanya. "Ang baboy?!" binangit ni Andrea na gustong magwala sa loob ng kanyang kwarto. Galit siya sa sarili niya, at mas lalong galit siya kay Rafael ngayon. Hindi niya masikmurang isipin na dalawa silang tinutuhog, at kung sino lang ang gusto niyang tuhugin. "Iyon na ang huling gabi ng pagkikita natin Rafael. Kailangan na kitang iluwa!" galit niyang sinabi. Umupo si Andrea sa sofa, hinayaan niyang magpahinga ang isip sa ibabaw ng malambot na upuan, at huminga na tila talagang nalulungkot siya. Gayunman, kailan

