"Andito ka rin lang naman.. hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Gusto ko nga pala linawin sayo kung bakit ako ang pinagbintangan mo na nananakit sayo noong nakaraang araw?" nag-cross ng braso si Andrea nang maitanong niya ito kay Claudia. "Aaahha.ha. yon ba?" natawa at umiling si Claudia. "Marahil ngayon ay alam mo na kung anong position ko kesa sayo?" "Oo, alam ko ang trabaho mo, pero huli ko na nalaman na isang kang sinungaling na Personal assistance ni Rafael Buenavista." sinabi ni Andrea sa naiinis na tono. "Mag ingat ka sa mga sinasabi mo. Gumamit ka ng salitang "Boss" or "Mr." Kung sa bagay, ang katulad mo ay wala naman talagang hiya!" pagmamataas ni Claudia. Ngunit si Andrea ay nakasimangot at pilit pinapakalma ang sarili. Napasulyap siya sa CCTV camera na nakaharap sa kanila, nai

