Isang gabi, ay hindi inaasahan ni Andrea na magkakaroon siya ng bisita. Ito ay matapos guluhin ni Claudia ang kanyang isip. Sa madilim na part ng balkonahe, ay may aninong dumating. Dalawang mga paa ang marahang umapak sa sahig at naglalakad ng walang tunog at ito ay pumasok sa loob ng unit kung saan nakatira si Andrea. "Malungkot ka yata.." "Omp!" nabulunan si Andrea sa iniinom niyang kape, nang biglang may nagsalita. Mag a-alas dyes na ng gabi ngunit nag iisa siya ngayon na tulala at nag iisa sa mesa. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Andrea sa pinakamababaw niyang boses. Napalingon si Andrea sa kanyang likod, nang makitang nakasara ang pinto ng kwarto ni Rafael ay tumayo siya bigla at nilapitan ang tao na biglang na lang sumulpot sa kanyang harapan. "Pakiusap umalis ka na! ayaw

