SUGAR DADDY

1215 Words
"Good morning, love…" Malambing ang tinig ni Andrea habang nakayakap sa mainit na katawan ni Don Rafael. Siya ang naunang nagising... at tulad ng nakasanayan, matagal niya munang tinitigan ang lalaking nakahimlay sa tabi niya, parang hinihigop ang katahimikang bihira niyang maramdaman. Inunat ni Don Rafael ang kaliwang braso niya, kahit na hindi pa mulat ang mga mata. Kilala niya ang bawat galaw ni Andrea. Alam niyang kaya ito nagpapalapit ay para muling gawing unan ang braso niya, isang maliit na bagay na lagi niyang inaangkin. At sa sandaling iyon, muling nakatulog ang dalaga, mula sa mahigpit na yakap sa kanya. Hindi niya napansin nang dahan-dahang bumangon si Don Rafael, iniwan siyang tahimik at napahimbing sa pagtulog. Bago pa sumikat ang araw, nakaupo na si Don Rafael sa kusina. Binuksan niya ang laptop...hindi dahil may kailangan siyang tapusing trabaho… kundi dahil may kailangan siyang tiyakin. Ang kaligtasan, hindi ng katawan, kundi ng lahat ng lihim niya. Doon nakatago ang mga sekretong hindi dapat malalaman ni Andrea. Naglabas siya ng hardrive at inilipat ang lahat ng mga mahalagang bagay doon, saka binura ang lahat ng ito sa files na nakatago sa loob ng mermorya ng laptop. Pinagmasdan niya ang tab-search history. Puro branded na sapatos, damit, Korean fashion, at ilang luxury sites ang nakita niya. Ilang confirmations din ng mga online order's nito na nagkakahalaga ng 41,324.00 pesos lahat. Habang ang iba ay mas mababa sa sampong libong peso ang presyo. Wala siyang nakikitang kakaiba o kahina-hinala. At saka pa lamang siya huminga nang mas malalim, bahagyang gumaan ang loob. Mukhang hindi pa siya nabubuko ni Andrea sa oras na ito. At hindi dapat mangyari iyon. Muli niyang pinindot ang ilang files para lang masiguro, at ang iba ay nilagyan niya ng password upang hindi ito mabuksan ng wala siyang pahintulot. Maya-maya pa ay marahang bumukas ang pinto ng kwarto. Isang munting tunog lang, pero para kay Don Rafael, iyon ay naging alarma niya. Agad siyang nagpalit ng window tab, kunwaring may binabasang report. Lumapit si Andrea, may ngiting hindi pa gising ang buong diwa. "What do you want? Coffee or sweet breakfast?" Tanong ni Andrea saka hinatiran niya ito ng halik sa noo, mabagal, at puno ng paglalambing. Mahal niya ba si Don Rafael? O kailangan lang niya ito gawin? "Anything. Pero gusto ko ipagluto mo ako ng favorite ko. pwede ba..?" Diretsong tono. Walang halong init o paglalambing man lang. "Masusunod, aking kamahalan." Ngumiti si Andrea, pero sa ilalim ng ngiti… ay may tinatagong kaba. Habang naghahanda ng kape, pasimple siyang sumusulyap kay Don Rafael. Nanlalamig ang likod niya. Tila nakatingin si Don Rafael sa kanya, kahit hindi naman ito sa kanya nakatitig.. mas nakikiramdam lang. Alam niyang kapag nagkamali siya ng kilos… kapag may nahuli ito sa laptop… kapag may napansin… Pwedeng magbago ang buhay niya sa isang iglap lang. Andrea, ang babaeng magnanakaw… pero bihag rin ng lalaking ninanakawan niya. "AHH!" Halos mahulog ang tasa. Tumilapon ang mainit na tubig. "Bakit?" Agad napatayo si Don Rafael. Mabilis, parang sanay sa panganib dahil sa pagiging alerto nito sa nangyari. Napaso si Andrea. Nanginginig ang kamay, nangingintab ang mata, hindi dahil sa sakit, kundi sa takot na baka may makita si Don Rafael sa lap top niya. "Sorry… love wala ito…" Pinipilit niyang ngumiti kahit namumula ang balat. Lumapit si Don Rafael, napakalamig at kontrolado ang potura pero ang itsura nito ay mas halatang concerned sa nangyari sa kanya "Please be careful next time.." Kinuha niya ang mop, pinunasan ang mainit na tubig sa sahig. At sa bawat iglap na lumalagay si Rafael sa kanyang espasyo, mas lalo siyang nalulunod sa hindi niya alam kung pagmamahal… o takot. "Salamat… pasensya na," mahina niyang sabi. Tumango lang si Don Rafael at bumalik sa laptop. At doon, muling humigpit ang t***k sa dibdib ni Andrea. Pagkalipas ng ilang oras 4:30 PM- ang oras ng peligro. Biglang tumunog ang doorbell, si Andrea na mismo ang nagbukas nito at pumasok ang isa sa mga taohan ni Don Rafael. Namukhaan ito ni Andrea na isa sa mga pinagkatiwalang team leader. “Good afternoon, Sir. Your visitor is waiting at guest room 206. ” Tumango si Don Rafael, walang sinayang na salita. Ang team leader ng bodyguards ang nauuna sa kanya na magsalita sa pagpasok pa lang. Matapos ang isang oras ng paghihintay ng isang special guest sa room 206, dumating si Don Rafael na hinatid ng ilang guwardiya sa loob, Umupo ito sa harap na may kalmadong aura ngunit may mga matang katulad sa isang lawin, na naghahanap ng kanyang mabibiktima. “You did an excellent job.” Pumalakpak si Don Rafael habang nakaupo sa master chair. May babae sa tabi niya, isang maganda, isang mamahalin, isang inosenting babae na kanyang pagmamay-ari. Si Andrea. Pero ang bisita, ay mailap, mapanganib, at hindi nagtiwala kahit kailan kay Don Rafael. Nakaupo ito sa pinakadilim na sulok ng kwarto, na parang isang multong tagabantay sa buong espasyo na ito. At nang makita niya si Andrea, hindi nito magawang maialis ang tingin. Mga titig niya na sing lamig ng nyebe sa north pole. Matindi. Mapang-angkin. At may lihim na galit. Para bang gusto niyang alisin si Don Rafael sa eksena, pero alam niyang hindi pwede. Hindi siya puwedeng maging kaaway ng lalaking nagbibigay ng pera… at maaaring pumatay sa kanya kapag kailangan. Tumabi si Andrea kay Don Rafael sa pag upo, at doon nagbago ang tingin ng estranghero. Halos sinisid ang bawat anggulo ng mukha niya, bawat paghinga, bawat galaw niya na kahit ang mabango at malambot na buhok niya ay nais niyang mahawakan. Ngunit hindi pwede, bawal sapagkat hindi niya pagma may ari ang babaeng ito. At napatanong si Andrea sa sarili. "Bakit ganyan siya makatingin sa akin?" Para siyang nangungusap, kung nakakapagsalita lang ang isang pagtingin ay marahil alam na agad ni Andrea ang dahilan. “Paano kung wala si Rafael dito? Ano kaya ang pakay niya sa akin?” "Done. I already sent my payment to your account," sabi ni Don Rafael, inilapag ang tablet sa mesa. Sarado na ang kanilang deal. Pero naramdaman ni Andrea ang kabigatan ng hangin. Ang katahimikan sa pagitan nila. Ang titig ng lalaking estranghero na tumatagos sa kanyang mga kalamnan. Hindi niya alam ang pangalan nito, at ayaw niyang malaman. Sa isip niya: "Assassin kaya ito?" Pero ang totoo, secret agent ito, isang bayaran, at hindi kakampi ni Don Rafael. At ang pinakamasakit? Hindi niya alam kung kakampi din niya si Don Rafael. “May isa pa akong ipapagawa sa’yo soon,” dagdag ni Rafael, may bahid ng pag-iisip. “Pinagaaralan ko pa kung itutuloy ko.” Lalong lumamig ang hangin sa kwarto na arang may paparating. Inilagay ni Don Rafael ang kamay niya sa hita ni Andrea. na may mahinahong paglapag at walang pag-aalinlangan. Nagulat ang dalaga. Hindi siya komportable, lalo sa presensya ng estrangherong iyon na tahimik na nakatingin sa kanila, parang lobo na nagmamasid sa dilim. “Happy to serve,” tugon ng lalaki mula sa madilim na bahagi ng kwarto. At sa puntong iyon… alam ni Andrea. Hindi siya ligtas. Hindi dito. Hindi kay Don Rafael. At lalo na, hindi sa lalaking nasa dilim. “I’d like to offer you a bonus,” sabi ni Rafael, nakangiti pero may something sa likod ng ngiti. Isang bagay na nakakapanginig ng laman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD