Napahinto kaming lahat ng may kumatok mula sa labas at bumukas ang pintuan. “Sorry for interrupt you guys but I want to talk to Conan,” wika ni Amira na isa isa pa kaming tiningnan. “Ano ‘yon?” ani Conan dito. “Jared called me, and he needs back up now. Let’s go!” Bigla akong napatayo sa aking narinig. “Sasama ako!” “No!” Hinawakan ni mama ang braso ko at pilit akong pinapaupo pabalik sa wheel chair. Kitang kita ko sa mga mata ni mama ang pagtutol sa gusto ko. Pero hindi niya ako mapipigilan dahil buhay ng anak ko ang pinag uusapan dito. “Ma! Anak ko ‘yon! Kailangan kong puntahan ang anak ko!” giit ko. Pilit na iwinawaksi ang kamay niyang mahigpit ang hawak sa akin. “Kakapanganak mo lang! Hindi mo pa kaya. Ano ka ba?!” “I want to be there! Kailangan ako ng anak ko!” Malakas kong h

