CHAPTER 23

2092 Words

Iniuwi na rin namin si mama sa bahay ng maging maayos na ang kanyang kondisyon. Wala rin sa amin ang nagbanggit ng tungkol sa insidente sa mall sa pakiusap na rin ni Tito Randy. Para na rin daw maiwasan ang muling paghi-hysterical ni mama katulad kanina. “Ma!” Napatayo ako nang bumaba si mama ng hagdanan. “Okay ka na ba?” Sinalubong ko siya at inakay paupo dito sa sofa. “Oo naman!” Nginitian pa niya ako. “Dapat nagpapahinga ka pa, eh.” “Maayos na ang pakiramdam ko, anak,” tugon niya. “Oh! May bisita pala tayo,” anito nang makita si Luther. “Good afternoon po, ma’am,” magalang na bati ni Luther. “Luther Tanjaico po. Boyfriend po ni Monnette.” Pakilala pa niya sa kanyang sarili kay mama. Sinulyapan ako ni Luther na para bang humihingi ng permiso sa pagpapakilala niya bilang nobyo ko k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD