✍️CHAPTER 26
_____________________
Nandito ako ngayon sa hospital hindi pa ako nadidischarge kasi kailangan ko pa daw ng pahinga. Iniisip ko si Jus- si kuya!
Gusto kung malaman ano bang lagay nya ngayon? Kung kamusta ba sya? Gusto ko rin na malaman nya na buntis ako pero natatakot ako. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Gusto ko syang kalimutan at mawala na lahat ng koneksiyon ko sa kanya.
Pero hindi ko sya magawang makalimutan. Bakit ganun? Ang sakit sakit sa pakiramdam na nilayuan ko Sya.
Bigla na lang bumukas ang pinto kaya pinahid ko agad yung mga luha ko.
"Umiiyak ka na naman! "sabi nya at nilapag yung dala nyang pagkain.
" Namimiss ko lang yung parents ko! "sabi ko kanya at ngumiti ng mapait.
"Makikita mo din sila!" sabi nya at niyakap ako at hinalikan sa forehead.
"Kumain ka muna at ihahatid na kita para makapagpahinga ka ng maayos!" sabi nya at ibinigay sakin yung pagkain.
"Thank you!" sabi ko at kumain na. After kung kumain ay inayos ko na yung sarili ko at lumabas na. Hinatid na ako ni Ace dito sa condo nya.
"Salamat nga pala ace!" sabi ko sa kanya.
"it's okay!" sabi nya habang nakangiti.
"oh sge na mag-ingat kana! Hindi na lang muna ako papasok!" sabi ko sa kanya.
"it's okay! Take a rest dahil makakasama sa baby mo yung pagpapagod!" bilin nya sakin.
"Thank you!" sabi ko at papasok na sana ako ng bigla kong narinig na may tumawag sa pangalan ko! At kilala ko yung boses na yun.
Justin POV
Nandito ako ngayon sa labas ng mall hinahanap ko parin sya. Baka sakaling nandito lang din yun. Nilibot ko ang aking paningin ng mahagip nito ang isang pamilyar na kilos, pangangatawan at kung pano ito lumakad. Matagal ko munang pinagmasdan ng biglang humarap. Tama si Irene nga iyon ngunit malayo ang kinaroroonan nya kasama yung hayop na Ace na yun.
Lumabas sila ng hospital, ano namang ginagawa nila doon? Agad akong sumakay sa kotse ko at sinundan sila. Yeah! Bumili ako ng kotse dito. Wala akong pake kahit maubos pa yung pera namin!s**t! Nasan na yun? Inunahan ko na yung mga nasa unahan ko at sumingit para lang mahabol at natanaw ko naman yung kotse kaso napakalayo nito sakin.
Binilisan ko ang pag dadrive ko at natatanaw ko ito ng maayos kaya sumunod lang ako. Huminto ito sa isang building. Ito yata ang condo nya. Pumasok sila sa loob kaya agad akong nagpark at Pumasok na din. Nahirapan ako sa pagpasok dahil sa mga guard pero nakalusot din. Nakasakay na ako ng elevator at nakita ko naman yung pinto nya at nakatayo sila doon. Nangpapasok na sana si Irene ay agad ko syang tinawag.
"Irene!" seryoso at malakas na tawag ko sa kanya. Sandali syang nakatalikod bago humarap sa akin. Napalingon din si ace.
"Umuwi na tayo!" I said in a cold tone.
"Ano ba kuya? Bati ba naman dito sumunod ka?" Galit at pasigaw nyang sabi.
"May kailangan akong sabihin sayo! Magusap tayo please!" pagmamakaawa kong sabi sa kanya.
"Wala tayong dapat pag-usapan! Umalis kana!" Bulyaw nya sakin.
"Importante tong sasabihin ko sayo!pakingggan mo muna ako!" Pagmamakaawa ko ngunit bigla akong tinulak ni ace. Natumba ako kaya bigla ko syang sinuntok.
"Walang hiya ka nirape mo yung sarili mong kapatid!Anong klaseng tao ka huh? Sigaw ni ace at tinadtad ng suntok ang muka ko.
" Wala kang alam! Kaya wag kang makialam! "sigaw ko at sinukmurahan sya.
" Ano ba kuya! Tumigil kana! Wag kanang mangulo dito! "sigaw ni Irene bigla namang nagdatingan yung mga security at hinawakan ako kaya hindi ako naka palag.
" Umalis kana dito kuya at wag kanang babalik! Kung hindi ipapakulong kita! "sigaw ni irene
" Magusap tayo please! Bitawan nyoko! "sigaw ko
" Wala na tayong dapat pag-usapan! Hindi kana makakalapit sakin! Umalis kana! Pakiusap umalis kana! Sigaw nya at kinaladkad na akong security palabas.
"Don't touch me!" I shouted at inalis yung mga kamay nila at nagmadaling lumabas. Galit na galit kong pinagpupokpok yung manibela at kasabay ng pagpatak ng mga luha ko. Nag drive na ako at binilisan ng sobrang bilis. Babawiin kita kay ace na yan! Hindi ako papayag namapunta ka sa inutil na yan! Babawiin kita Irene!!!
"I LOVE YOU IRENE!!!"
Sigaw ko at nakita ko ang malakas na sinag na paparating sakin at hindi ko na magawang iliko pa ang manibela hanggang sa
**Booggshhhhh**
Naramdaman ko nalang na may likidong umaagos sa ulo ko at nawalan na ako ng malay.
___________________________________
CUT!