✍️CHAPTER 55 ****************** Nagising ako at kinapa si James pero unan lang ang na hawakan ko kaya na patayo agad ako. "James!" tawag ko pero walang sumasagot kaya tumungo na ako sa CR para gawin yung daily routine ko. Bumaba na ako pagkatapos at nakita ko sila mommy na nagbebreakfast kasama sila justine at si James. "Good morning!" nakangiti kong bati sa kanila at sumagot naman silang lahat except kay justine. Problema nya? Naupo ako at nagsimula ng kumain, nakatingin lang ako sa kanya dahil seryoso lang syang kumakain. Natapos na syang kumain at tumayo na sya at umakyat sa kwarto nya. Pagkababa ay kiniss nya sa cheecks si James at dinaanan lang ako sabay labas. May problema ba? Hala! Baka naman dahil hindi ko sya pinagbigyan gabi? Pero nandun si James at hindi pwede! Hay nako!

