By: Ritmo Y Syggrafeas
Naging maingat ang magkapatid na Heinrich at Miguelito sa kanilang kilos. Naging ganap ang kanilang pangpapanggap ng bilhin ni Heinrich Monte Cielo ang Hotel na kasalukuyang Sila ay empleyado. Agad tumaas ang posisyon ni Paulo at nanatili naman si Miguel o Miguelito sa pagiging pianista.
Taong 1691 ng maging ganap na Pari si Miguelito. Kung mayroon mang taong pinakamasaya para dito maliban Kay Father Gabriel, ito'y ang kanyang kapatid si Heinrich Monte Cielo. Pagkatapos ng dalawang taong pakikipagsapalaran naging matagumpay ang paghahanap ng Binata sa kanyang pinagmulan. Naging masaya ang huling araw ni Miguelito sa pinapasukang Hotel. Binigyan siya ng isang Farewell Party ng mga katrabaho at ni Paulo na ngayon tumatayong Hotel Supervisor, hindi naman nawala sa kasiyahan ang may-ari ng hotel, Ang kanilang boss si Heinrich Monte Cielo. Palakpakan naman ang lahat ng magbigay ng Huling Talumpati ng Pamamaalam si Miguelito. Kahit wala pang Basbas ng Simbahang Katoliko proud na proud naman si Paulo na tawagin itong Father Miguelito De Fuego.
Buo na ang pasya ni Heinrich Monte Cielo na sasama siya sa pag-uwi ni Miguelito sa bayan na kinalakihan at masaya din si Dolores sa napipintong pagharap Nila
ni Father Gabriel at mga Madre na nagpalaki Kay Miguelito. Hindi naman nakasama si Paulo sapagka't ito lang ang inaasahan ni Heinrich sa pamamahala sa Hotel. Natulungan na din ni Heinrich ang pamilya ni Dolores na mapaayos ang kanilang lumang tahanan at binigyan siya ng Binatang negosyante ng puhunan para makapagpatayo ng tindahan na agad naman lumago at Ngayon Isang grocery na sa kanilang bayan at may tatlo na siyang tauhan.
Nagpaalam naman si Heinrich sa magulang na may pupuntahan na business trip sa kabilang bayan para hindi Sila magduda sa totoong dahilan nito dahil nakasanayan na ng kanyang magulang na ginugugul ang oras nito sa negosyo. Agad na lumuwas ang tatlo sa bayan ni Father Gabriel sakay sa sasakyan ng negosyante.
Pagdating sa Simbahan agad sinalubong Sila ni Father Gabriel, bakas sa mukha nito ang labis na kasiyahan sa dalawang taon na pagkawala ng anak anakan. Halos hindi magkamayaw sa pagyakap ang mga matatandang Madre Kay Miguelito.
Unang Bumaba sa sasakyan si Dolores na agad humalik sa kamay ng Pari at mga Madre, agad nawala ang kanilang kasiyahan ng kanilang masilayan ang lalaking Bumaba sa sasakyan. Halos napako ang tingin ng lahat sa Binata. Una nitong Binasag ang katahimikan at nagmano ito sa Pari at matatandang Madre. Unang nagsalita si Sister Fatima.
' Sino sa inyo si Miguelito?
Agad naman nagsalita ang binata
'Ako si Heinrich Monte Cielo.
Kilala ni sister Fatima ang Pamilyang Monte Cielo sapagka't Isa ito sa Pamilyang nagbibigay ng malaking donasyon sa Simbahan na dating kanyang pinaglilingkuran.
' Ikaw Ang Apo ni Donya Sigrid?
Na agad naman sinang ayunan ng Binata.
Agad silang niyaya ni Father Gabriel sa loob para makapag-usap ng maayos.
Bumuhos ang Luha ng araw na iyon ng isalaylay ng bawat panig ang natuklasan at kanilang napagtagpi tagpi Ang estorya ng bawat Isa. Hindi na rin nagduda pa ang Pari at Madre sa salaysay ni Dolores at Heinrich. Sapat na napatunay ang magkaparehong mukha si Miguelito at Heinrich para paniwalaan na lehitimo ang kanilang natuklasan.
'Binati naman ni Father Gabriel ang anak dahil nagtagumpay ito sa mithiin sa paglabas sa seminaryo.
Agad naman ipinahayag ni Miguelito na buo pa Rin sa kanyang puso Ang hangarin na maging Pari.
Nagpahayag naman ng supporta si Heinrich at Dolores sa Pasya ng binata na lubos naman ikinalugod ng Pari at mga Madre.
Pinasalamatan din ng lubos ng Pari si Dolores na mula sa kanyang kapatid Hanggang sa kanya ay Hindi bumitaw sa pag-alalay Kay Miguelito Hanggang sa kasalukuyan. Pinangako din ni Father Gabriel na kung maging ganap na Pari na si Miguelito ang unang Misa nito ay iaalay Kay Dominica na nagligtas sa kanyang Buhay at naging tulay para pumasok siya sa bokasyon.
Masinsinan din kinausap ni Father Gabriel si Miguelito at Heinrich.
' Ngayon na naging malinaw na ang iyong pagkatao anak, nararapat lang na ibalik ko na at itama ang iyong pangalan. Hindi ka Isang De Fuego anak, Isa Kang Monte Cielo.
Tandaan mo Wala sa pangalan Ang pagiging ama ko sa iyo, Ama ako ng lahat na may pananalig sa Diyos.
Ngayon aking hinihiling sa iyo, para sa katahimikan ng iyong Ina at Ama na pumanaw, tanggapin mo na Ikaw ay Monte Cielo. Iparangal mo ang iyong pagka Pari sa iyong magulang, Kay Cassandra at Bernard.
Agad naman yumakap ang magkapatid sa kabaitan ng Pari.
Agad naman dumating ang pahintulot na si Father Gabriel Ang magsasagawa ng ordinasyon ni Miguelito Monte Cielo para maging ganap na Pari. Agad naman lumuwas si Heinrich para sunduin si Donya Sigrid Monte Cielo, Ang kanyang ama't Ina Sina Benedict na kapatid ni Bernard at Ysabelle Ina ni Heinrich. Agad silang lumuwas sa kadahilanang kailangan umano ni Heinrich ng kanilang pahintulot para sa Isang Hacienda na balak bilhin ng Binata at kailangan niyang maglabas halos kalahati ng kanilang pagmamay-ari. Agad naman pumayag ang mga ito dahil hindi biro ang gustong mangyari ng Binata.
Nagtaka ang Pamilya Monte Cielo ng tumigil ang sasakyan sa Isang Lumang Simbahan.
Sinabi na lang ng Binata na gusto niyang magsimba Bago tumuloy sa kanilang destinasyon na sumang ayon naman Ang kanyang ama't Ina. Agad naman nabigla Ang Donya na pagpasok Nila kasalukuyang ginaganap Ang seremonya ng ordinasyon. Agad naman nakiusap ang binata na may gaganaping Misa pagkatapos. Natapos agad ang seremonya at tanging Father Miguelito Ang binanggit ni Father Gabriel.
Ayaw niyang pangunahan ang Pari sa opisyal nito na anunsyo sa kanyang totoong pagkatao at agad niya tinawag ito para magbigay ng pangaral bilang opisyal na Pari ng kongregasyon.
Agad naman nakilala ni Donya Sigrid Ang bagong Pari, Ang seminarista na kanyang kinausap dahil sa magkamukha Sila ng kanyang apo. Natulala naman si Benedict at Ysabelle ng masilayan nila ang mukha ng Pari. Sa kabila ng tensyon nanatiling kalmado ang Pamilya Monte Cielo, ayaw nilang gumawa ng eksena. Gustong gusto na ni Donya Sigrid lisanin ang Simbahan.
Binati ng Pari ang lahat, binigyang pugay niya ang lahat ng Pari at Madre na Hindi nagdalawang isip na pumasok sa bokasyon. Hiniling niya na ipagdasal sila pati ang mga kabataang may tawag sa bokasyon.
Agad siya nagsimula sa isang pagbabalik tanaw isinalaysay niya lahat ng pangyayari paano siya umabot sa pagiging Pari.
Nakidalamhati ang lahat sa kanyang Pinagdaanan pati sa kabayanihan ni Dominica. Paano siya ginabayan ng Diyos para makilala si Dolores at Heinrich. Higit sa lahat ang impluwensiya ni Father Gabriel at mga Madre para pasukin niya ang Bokasyon.
Halos ipinako si Donya Sigrid sa kinauupuan, walang tigil naman sa pag-agos ang Luha ni Benedict at Ysabelle.
Sa pagtatapos na kanyang Talumpati. Buong tapang niyang inanunsiyo sa lahat.
' Ako anak ni Cassandra at Bernard Monte Cielo tinatanggap na talikuran ang lahat ng karangyaan sa Mundo para pumasok sa kongregasyon ng Pagpapari.
Ako lubos nagbibigay pugay sa taong naging tulay para mabuo ako sa Mundo. Ang aking totoong Ama si Benedict Monte Cielo. Pagpupugay din sa kanyang Kabiyak na si Ysabelle Monte Cielo na buong puso ang supporta para matagpuan Ako ng aking kapatid na si Heinrich Monte Cielo. Pagpupugay Kay Donya Sigrid Monte Cielo nasa kabila ng pinaniwalaang Sinaunang pamahiin batid ko na may mabuting puso. Pagpupugay sa pamilya ng aking Ina. Higit sa lahat pagpupugay sa mga Bayani na pinadala ng panginoon para maging ganap ako na Pari sa aking nakagisnang Ama si Tatay Gabriel na Isang Pari, Sister Fatima na inaruga niya ako na tunay na anak at lahat ng mga Madre na naging saksi sa aking paglaki Hanggang pumasok ako sa seminaryo at Ngayon Isang ganap na Pari. Bigyan po natin ng Isang masigabong palakpak si Nanay Dominica na ipinaglaban ako Hanggang sa kanyang huling hininga. Pagpupugay Kay Nanay Dolores at sa kanyang Anak na si Paulo sa kabila ng kanilang natuklasan na katotohanan ay patuloy Nila akong inaruga at kahit kailan Hindi nagpunla ng galit sa kanilang dibdib.
Nagtayuan at nagpalakpakan ang lahat maliban Kay Donya Sigrid na Hindi pa Rin ma proseso sa utak at puso ang rebelasyon na natunghayan.
Sa pagtatapos ng talumpati ni Father Miguelito kanyang isinambit
" Ako'y naniniwala na Ang lahat ay nakatakda na maganap, walang hinanakit sa aking puso at lahat ng kapatawaran ay aking iginagawad sa lahat".
Ako'y maging ganap na Pari na walang dinadala na galit sa dibdib.
Kilalanin man ako ng Pamilyang aking pinanggalingan o Hindi, magiging payapa Ang aking puso dahil buo ang aking pananampalaya sa Diyos.
Salamat sa Diyos, Pagpupugay sa Diyos Ama na makapangyarihan sa lahat.
' Huwag kayong umalis dahil gaganapin Ang una kung Misa at Inaalay ko ito Kay Nanay Dolores, Nanay Cassandra at Tatay Bernard. Maraming salamat sa lahat!
Agad naman niyaya ni Heinrich ang Pamilya na pumunta sa Harap pero tumanggi si Donya Sigrid tanging si Benedict lang at Ysabelle ang nagpatiuna.
Pagdating sa harapan Isang madamdaming tagpo ang naganap, luhaan si Heinrich na yumakap sa kapatid. Napahagulgul si Ysabelle ng sa wakas mayakap niya ang batang matagal na niyang hinahanap kahit anak ito ng kanyak Asawa sa ibang babae naging maayos Sila ni Cassandra habang dinadala niya ito at naging magkaibigan Sila. Walang hinanakit sa kanyang puso kundi puro awa at pagmamahal ang kanyang naramdaman.
Bumuhos lahat ng emosyon ng Ang mag-ama na ang nagkaharap. Labis na pagsumamo na Patawarin ng Anak Ang Ama dahil Hindi siya nagawang ipaglaban nito. Pero Isang mahigpit na yakap Ang naging sagot ng anak. Napahagulgul ng iyak si Benedict at ganoon din si Ysabelle at Heinrich. Halos kalahating Oras Ang pagyakapan ng mag ama at nakiyakap na Rin si Ysabelle at Heinrich. Ngayon larawan na Sila ng Isang buong pamilya na sinubok ng Panahon pero sa huli namayani ang pagpatawad at pagmamahal sa isa't Isa.
Halos napako naman Ang atensyon ng lahat ng tumayo si Donya Sigrid Monte Cielo akala ng lahat tatalikod ito pero deritso itong pumunta sa harap. Agad ito lumuhod sa harap ng Pari.
' Hindi ako nararapat sa iyong pagpatawad Father Miguelito, isa akong makasalanang nilalang.' Lubos Kung pinagsisihan lahat ng aking nagawa. Pati sayo Ginang Dolores walang kapatawaran ang aking nagawa.'
Agad naman hinawakan ng Pari ang kamay ng Donya at tinulungan makatayo.
' Sa nasambit ko na walang galit sa aking puso at ibinigay ko na ang pagpatawad sa lahat' Lola Sigrid tumayo kana para mayakap ka ng iyong Paring Apo at agad ito humalik sa kamay ng Apo Bago tumayo. Personal din humingi ng tawad ang Donya sa Kay Dolores pero katulad ng kanyang Apo, matagal na siyang nagpatawad simula pa ng makilala niya si Heinrich. Ayon sa kanya naniniwala siya na may kabutihan sa kanyang puso dahil Isang mabuting halimbawa ang kanyang mga apo.
Agad ginanap ang unang Misa ni Father Miguelito sama sama lahat ng kanyang kinikilalang Pamilya. Si Father Gabriel na proud na proud sa anak, sister Fatima na patuloy umiiyak kasama Ang iba pang mga Madre, Benedict na kanyang totoong Ama at Ysabelle na Asawa nito. Heinrich kanyang kapatid na kamukhang kamukha niya at Ang kanyang Nanay Dolores.
' Isang Madamdaming Misa ang naganap pero Hindi na ibinanggit Ang masasamang pangyayari sa nakaraan tanging pagpupugay na lamang Kay Cassandra Monte Cielo, Bernard Monte Cielo at Dominica Del Solor.
Pagkatapos ng Misa nagsarilinhan ang magpamilya at nag-usap. Ayon na rin sa Lola niya Sigrid, ano Mang sumpa Ang naka kabit sa Apo naputol na ito dahil naging ganap na itong Pari. Talagang mahiwaga ang kapangyarihan ng Diyos dahil siya nagpadala ng mga anghel at propeta para magbigay daan sa kaligtasan ng kanyang ikinalulugod na alagad. Si Dominica katulad ng mga na una sa kanya siya'y kinuha ng panginoon ng maaga para huwag ng danasin pa Ang kalupitan sa Mundo. Lahat ng ito ay daan lamang para matupad Ang kanyang kagustuhan. Agad naman sinang-ayonan ng lahat ang pangaral ni Father Gabriel, Lalo na si Dolores na Isang tapat na mananampalatayang Romano Katoliko.
Nagpaalam na si Benedict at Donya Sigrid sa kanila pagka't madami pa silang kailangan asikasuhin na negosyo sa bayan. Nagdesisyon naman si Heinrich magpaiwan dahil nagustuhan niya ang bayan ng kapatid, gusto pa niyang makasama ang Kuya niya Miguelito ng matagal. Sumang-ayon naman ang Ina nitong si Ysabelle pero Bago lumisan nagbilin ito kay Father Gabriel at Father Miguelito.
' Father Gabriel, Father Miguel!
Huwag niyo sanang masamain, kami ay lubos na masaya na may naging Pari kaming anak pero kailangan din namin ng Tagapagmana. Ibalato niyo na si Heinrich sa amin. Tumawa naman si Benedict at Donya Sigrid na agad sumang-ayon sa ginang.
' May magiging Tagapagmana na mabubuo Malay niyo po pag-uwi ko may dala na ako. Na agad naman sinagot ng Donya na Basta matino Hindi ako kokontra.
Bago umalis may iniabot na sobre si Benedict sa anak. Sumabay na rin si Dolores sa kanila sapagka't tanging tauhan niya lang ang naiwan sa negosyo. Magkatabi si Dolores at Donya sa likod na halatang magkasundo na magkasundo. Napatunayan ni Miguelito na hindi matapobre ang Lola.
Pagkaalis iniabot ni Heinrich sa Pari ang sobre, Isa itong tseke na may malaking halaga na nakasulat. Malaki ito, kayang kaya na niya magpatayo ng bagong Simbahan pero ibinalik niya ito. Sabay sabi na wala akong mapaggamitan ng ganyang halaga. Pero namilit ang binata na ayon sa ama kaya Hindi niya inabot ng personal sapagka't tatanggihan lang ng Pari. Pero ayon dito sa kawang gawa ng Simbahan ito kaya nagdesisyon ang Pari na nararapat lang sa mga Madre ito mapunta dahil Sila Ang lubos na may kailangan dito.
Agad naman ito pinasalamatan ni Sister Fatima.
' Hindi ko ito tatanggihan, malayo na Ang mararating nito'.
Maraming mga bata Ang mabago Ang kapalaran nito.
Agad sinulit ni Heinrich Ang tatlong araw na bakasyon. Halos inubos nilang magkapatid Ang tatlong araw sa pagsuyod sa lahat ng resort sa bayan na iyon. Parang bumalik ang dalawa sa pagkabata, naligo Sila sa talon naghabulan at kumain ng street food. Alagang alaga naman ni Miguelito ang kapatid. Halatang sabik na sabik si Heinrich na magkaroon ng Kuya. Pinabayaan na Lang Sila ni Father Gabriel, game na game pa nga ito na sumali sa basketball ng magkapatid. Natatawa na Lang si Sister Fatima sa sumbong ng batang Madre na nililigawan Siya1 Ni Heinrich, sa halip na mairita ikinatuwa pa ng matandang Madre ang kapilyohan ng Binata.
Matapos ang tatlong araw nagpaalam na ang magkapatid na luluwas sa kabilang bayan dahil nga sa hiling ni Donya Sigrid na opisyal niyang maipakilala ang apo sa kanilang mga kaibigan at kapamilya. Imbitado si Father Gabriel at Ang mga Madre, nangako naman Ang mga ito na susunod na Lang sa araw ng pagtitipon.
Ibinilin naman ni Heinrich na isama si Sister Victoria na pumasok sa kumbento matapos Hindi sinipot ng lalaki sa kanyang kasal.
Bago umalis kinausap ni Heinrich si Sister Fatima ng matino Kung sakaling iibig si Sister Victoria sa kanya pipigilan ba ito ng Madre. Sumagot naman ito na Hindi Sila pinilit na pumasok sa kumbento at kapag ginusto Nila lumabas, ipagkakaloob ng Simbahan iyon sa kanila.
Isang magarbong pagdiriwang ang naganap sa Mansion ng mga Monte Cielo.
Makikita sa Bulwagan ng Mansion na kompleto ang magpamilya, pinangunahan ni Donya Sigrid Monte Cielo ang pagpakilala sa Apo, bakas sa mata nito ang karangalan sa pagkakaroon ng Pari na apo. Marami ang hindi makapaniwala na may tagapagmana pa ang Donya maliban kay Heinrich. Si Benedict na ang nagpaliwanag sa lahat Kung papano Ngayon lang Nila napakilala si Miguelito Monte Cielo. Hindi naman mapabulaanan ang pahayag ni Benedict sapagka't magkamukha ang magkapatid.
Masaya naman si Donya Sigrid sapagka't hindi man Sila nagpalaki sa Apo pero hindi naman Sila napahiya na iharap ito sa kanilang Mundo sapagka't sa gawi at akto nito mababakas na mataas ang antas ng pinag-aralan.
Bago matapos ang pagdiriwang buong puso na inanunsiyo ni Donya Sigrid Monte Cielo na magreretiro na ito sa pamamahala ng kanilang negosyo at ipinahiwatig na itutuon na Lang Ang Oras na natitira sa kawang gawa. Iniiwan niya ang buong pamamahala sa mga negosyo sa mag-ama. Ang kanyang Anak na si Benedict at apo na si Heinrich at Miguelito. Pero ng magsalita na Isa Isa Ang Anak at apo. Nagpatiuna si Miguelito at nagsalita.
'Ipagpatawad mo Lola pero tinatanggihan ko lahat ng mayroon ka ibigay mo na Lang sa aking kapatid para sa kanyang pagpatuloy sa ating salinlahi." Ikinararangal ko na kilalanin mo at sapat na iyon.
Agad naman siyang sinalubong ng yakap ni Donya Sigrid na lumuluha sa pagiging totoo ng Apo.
Nagtayuan naman lahat ng saksi sa pagdiriwang.
Agad naman nagbigay ng Talumpati si Benedict at kanyang ipinahayag na Hindi niya ipipilit na tanggapin ng anak na si Miguelito ang kanilang yaman pero kanyang inihabilin ang Monte Cielo Catholic School Foundation sa anak dahil siya ang may puso para ipagpatuloy ang adhikain ng paaralang ito. Ipinahayag niya ang buong supporta Lalo na sa pinansyal na aspeto para magpatuloy Ang adhikain ng institosyon. Agad naman nagsaludo si Father Miguelito bilang pagpahayag ng kanyang pagtanggap sa hamon ng Ama.
Huling nagbigay ng kanyang pahayag si Heinrich, deritso magsalita Ang binatang Monte Cielo.
' Ako'y lubos na napahanga sa aking kapatid, Ang kanyang prinsipyo sa kanyang pagka Pari ay hindi mabubuwag.
' Idolo ko Ang aking Kuya Miguelito gusto ko na Rin sana sundan Ang kanyang yapak pero dahil sa kanyang tinuran ako'y labis na natauhan kailangan ko gampanan Ang aking misyon, at Yun ay ipagpatuloy ang Lahing Monte Cielo. Napakaikli ng Buhay at madaming responsibilidad na nakaatang sa Akin. Deritsahan na ito Sister Victoria, Papayag ka bang lumabas sa kumbento at pakasalan ako?
Linapitan ng Ama si Heinrich at muntik pa itong kutusan ng ama sa kalokohan na agad naman inawat ni Miguelito. Tumango si Father Miguelito Kay Heinrich bilang pahintulot na ituloy ang nasimulan. Agad naman nagpaliwanag Ang Pari sa ama sa totoong kaganapan na Hindi kalokohan Ang lahat.
Agad Bumaba Ang Binata at Lumuhod sa harap ng Madre na nakabelo pa sa kasalukuyan. Agad niyang binuksan ang singsing at nagpropose ng kasal. Halos hindi alam ni Sister Victoria ang gagawin na agad naman siyang linapitan ni Sister Fatima at Father Gabriel.
' Malaya kang sundin ang iyong puso Sister Victoria Nakita namin na hindi na sumilay ang iyong ngiti Habang ikaw ay nasa kumbento, palayain mo ang iyong puso at malaya kang pumili ng daan na tatahakin. Hindi natatapos ang paglingkod sa Diyos sa paglabas ng Madre sa kumbento."
Saad ng dalawang alagad ng Diyos.
Hinubad ng Madre ang Belo at Crucifix na suot at binigay ito sa kay Sister Fatima at agad humingi ng patawad sabay sambit na susundin ko ang aking puso. Halos lahat naman ay humanga sa angking Ganda ng Madre, Hindi naman masisi Ang binata bakit agad pakasalan Ang babae.
Iniabot niya Ang kamay Kay Heinrich at sinuot ng Binata Ang singsing sa Madre.
Agad dinala ng Binata si Victoria sa Lola niya Sigrid at agad naman tinanggap ng Donya at sabay sambit
' Kung Buo na Ang Desisyon mo Iha, buong puso ko rin binibigay Ang basbas sa inyong dalawa. Agad naman nagmano Ang dalaga sa Kay Benedict at Ysabelle pati na Rin Kay Father Miguelito.
Para na Rin sa ikatatahimik ng lahat agad nagbigay ng pahayag ang Madre Superyora.
' Hindi ko kinukonsenti na lumabas sa kumbento ang mga Madre, pero Hindi bawal na lumabas. Boluntaryo silang pumasok at malaya silang lumabas sa kongregasyon.
' Sa ilang taon na Panatili ni Victoria sa kumbento, Hindi na sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.
'Pero Isang araw lumapit siya sa Akin nagsumbong na nililigawan siya ng nakababatang kapatid ni Father Miguelito.
' Doon ko lng nasilayan ang natural na ngiti ni Victoria. Sino Ako para ipagkait iyon sa kanya? Intindihin natin. Hindi natatapos sa paglabas sa kumbento ang iyong adhikain, magpatuloy ka gampanan Ang iyong kawang gawa at alam ko buong puso Ang supporta ng iyong magiging Asawa. Kilala ko si Donya Sigrid, dati na akong nanirahan dito at alam ko nasa mabuting kamay Ang aming si Victoria. Ipinagkaloob ko Rin Ang basbas sa inyo. Tapusin mo lang Ang proseso sa iyong paglabas at malaya na kayong magpakasal.
Agad nagpalakpakan ang lahat!.
To be continued...
Next Chapter na mabubunyag Ang sumpa sa pagkatao ni Miguelito!
May mahalagang papel si Victoria sa Buhay ni Miguelito.
Abangan!