KEITHLYN'S POV Isinugod agad namin sa Hospital si William, dahil na rin sa tulong ng mga kaibigan niyang doctor at kay mommy kaya naging mabilis dumating ang ambulansya na magdadala sa kanya sa Hospital. Dahil sa aking pagka taranta kanina ay hindi na ako nakapag bihis ng damit pang alis, napansin ito ni mama kaya kinuhanan agad ako ng kahit jacaket man lang pang takip sa aking halatang walang suot na bra. Hindi na ako makapag isip ng tama sa mga oras na iyon. takot na takot ako habang nasa ambulansya kami kanina ay kung anu-anu ang pumapasok sa isip ko pinapa kalma lang ako ng mga kasama ko na sina ni Doc Paul at Doc Rex habang ginagawa nila ang first aid para sa kanya, nilagyan nila ng oxygen ang bibig nito para guminhawa ang pag hinga nito kaya medyo nabawasan ang aking pangamba, pero

