KEITH Future kuya daw? Paano ko tatanggapin siyang future kuya kong nag tikiman na kami dati. Nakakainis talaga. Matapos ang eksena niyang biglang pasok sa kwarto ko kong saan nahuli niya kaming naghaharutan ni Allan kahapon ay hindi talaga niya kami iniwan at nagawa pa niyang umopo sa loob hanggat hindi pa naka labas si Allan ay hindi rin siya lumabas. Kaya nag pasya na lang si Allan na umuwi na lang kahit na gusto pa sana niyang mag- stay sa bahay ng ilang oras pa. Pagkahatid ko kay Allan sa labas ay siya ring uwi niya kaya takang taka talaga ako sa mga kilos niya. Kong maka kilos akala mo boyfriend na nagseselos eh siya naman nag sabi na future kuya ko siya. " Ate ano to? " nasa harap ko ngayon ang isang brandnew na kotse , kulay puti ito at may ribbon pa sa na akala mo binalot n

