KEITHLYN'S POV Hindi na kami nag-usap pa ng kakambal ni William dahil dumating agad ang chopper na sasakyan namin, sumakay ako ng tahimik, tinanggal na rin nito ang sout na wig kaya aakalain mong siya talaga si William ang dahilan n'ya kaya niya sinuot ang wig na iyon dahil para daw hindi ang aking asawa ang nasa paningin ko kundi siya, gusto daw nitong tanggapin ko siya bilang si Williard at hindi William, ipagtatapat daw sana niya sa akin, kaya lang ay natakot daw ako, medyo alangan ako sa dahilan nito sa akin, dahil kung titingnan mo siya kanina ay mukha siyang nakakatakot, umaamo lang ang mukha nito nang umiyak na ako sa harapan niya, kaya tinanggal nito agad ang suot na Wig. Naiinis ako sa aking sarili dahil paanong hindi ko nahalata na hindi siya ang aking asawa, gusto kong magalit

