KEITHLYN'S POV " Bakit gano'n? bakit parang tumigil? saan bang lugar to? " kanina pa kami naka tingin sa map na hawak ko, hindi ba naglagay ako nang tracking device sa kotseng sinasakyan n'ya ? so tinuntun namin ni Allan ang lugar, ngunit pag dating namin dito wala naman " Sigurado ka ba talaga dito ang lugar na ito? " tanong ko pang muli sa aking kaibigan " Nakalimutan mo yata taxi driver ako noon, hindi ba doon tayo unang nagkakilala kaya kabisado ko na ang maynila " " Eh bakit wala naman dito 'yong kotse n'ya? " " Ewan ko, di ba nga magkasama tayo kanina pa? "ang sarap kaltukan sa ulo nitong kaibigan ko, " Baka nakahalata s'ya ? " sabi pa ulit n'ya " Malay ko, dali baba kana heto hanapin mo d'yan masakit ang ulo ko, remember buntis ako at ikaw ang nag sabi na gawin natin 'to "

