KEITH " Pasaway kang bata ka,sinabi ko na nga sayo na ipapakasal na lang kita para kahit magpa mukbang ka araw araw ay wala akong paki alam " kanina pa halos madurog na ni mama ang mga braso ko sa kakapalo nito sa akin paano ba naman kasi nahuli ako nitong umuwi ng madaling araw at halos lupaypay na ang katawan ko sa sobrang pagod. " Mama sinabi naman po niya na kong gusto ko kahit bukas papakasalan na daw niya ako kaya tama na po hindi na kayo naawa namamaga na ang braso ko oh " pagmamaktol kong ani kay mama " Yun naman pala eh, ano pang inaarte mo pakakasalan ka naman pala niya bakit ayaw mo? " di maka paniwala niyang tanong sa akin , nasa loob kami ng kwarto ko at naka higa pa ako sa kama, dahil sa puyat at pagod ko kaya hindi na ako nakapasok.Umopo ako at niyakap bigla si mama " Ma

