KEITHLYN POV Tatawa tawang nakipag palitan si Josh sa pag da drive. Bali makikipag palitan din sana ako kaso ay pinigilan ako ni miss Jamilla dahil nahihilo daw siya sa back seat kaya ang ending katabi ko na nagyon dito sa likod si Doc William. Umosog ako ng kunti sa may bintana kasi feeling ko hindi ako makahinga sa sobrang lapit niya sa akin. " Josh pwede ba ako mag bukas ng bintana ? kong okay lang kay Miss Jamilla ?" " Sige lang love walang problmea kay ate , diba ate?" sagot naman nito sabay tanong sa ate niyang natutulog. Tumango lang ang ate niya kaya binuksan ko ang bintana. Pag bukas ko palang sa bintana sariwang hangin agad ang nalanghap ko Malayo sa mga hangin sa maynila na puro pollution. Ilang oras na din kami sa byahe masyadong malayo ang pupuntahan namin kaya nag pasya

