Episode 2

1373 Words
"Bakit ba ayaw tanggapin ng Abogadong yan ang kinakaharap kong kaso? Ano ba ang gusto niya ha?" Naiinis na tanong ni Saith sa co-workers niya. "Gosh ano ba ang gusto niya pera? Ang mga tao talaga ngayon mukha ng pera Abogado nga pero mukha naman yatang pera?" Manager Migz tsked. " Paano kaba tatanggapin ng Abogadong yon e ikaw ang may kailangan pero gusto mo ikaw ang lalapitan! Aber?" Sinamaan lang ito ng tingin ni Saith. Napangiwi lang ito bago muling nagsalita. "Sigurado kaba wala kang ginagawang kalokohan? Bakit ayaw kang tanggapin nong Abogadong yon?" Si Saith naman ang napangiwi saka sinamaan ng tingin ang manager. "Gosh ni hindi ko nga kakilala yang Abogadong yan e." Saith sighed. "Sinisigurado ko lang naman kung wala." Manager Migz muttered. "Gosh sino ba yang Abogadong yan at pa importante pa?" Aniya saka inis na inis na umupo. "Siya lang naman ang laging hinahanap ng mga taong kinakailangan ng magaling na Attorney----" "Bakit sino ba yan talaga ka bang magaling yan?" "Yes magaling yan. Sa isang sikat na University yan nakapagtapos ng pag-aaral kasali din yan sa top 10 with high honor. Mahal kong alaga kaya niyang triplehin ang kinikita mo sa loob ng ilan ding taon. Mayaman kasi yon," Pagpapaliwanag ni Migz. "Sila lang naman din ang may-ari ng isang Law firm dito sa bansa." Yamot na pinaikot ni Saith ang mata sa harap ng kaniyang manager. "Pakialam ko naman diyan?" "Saith siya ang isa sa magaling na Attorney dito sa bansa." Naiinis na bumuntong hininga ang kaniyang manager. "Saith magaling ang kailangan nating Attorney para matalo natin yong kompanya na pinipilit kang gawin yong ayaw mo naman." Tinarayan lang niya ang kaniyang manager. Manager Migz sighed. "Mas mabuti sigurong puntahan natin yang Abogadong yan para----" Hindi makapaniwalang napatitig siya sa kaniyang manager. "Why would I do that?" Manager Migz sighed. "Saith siya ang kailangan nating Abogado para malutas niya ng maayos ang ating problema. At para may laban din tayo." Naiinis na nagpapadyak padyak siya sa lupa. "Migz naman e." Wala siyang pakialam kung para na siyang bata sa inasta niya sa harapan ng kaniyang manager. Wala din naman siyang nagagawa dahil itinulak na siya nito papasok ng kwarto niya. Ayaw na niyang makipagtalo sa manager niya dahil alam naman niyang talo parin siya sa huli at wala na siyang magagawa kundi ang pumunta sa firm na sinabi sa kaniya ng kaniyang manager. Pabagsak siyang naupo sa pang isahang sofa. Saka kinapa ang kaniyang cellphone sa kaniyang bag para matingnan niya kung may text ba o message sa kaniya ang kaniyang mga kaibigan. Itatabi na niya sana ang kaniyang cellphone ng bigla nalang may tumawag isa sa kaibigan niya. "Hello my dear famous Friend." Bati sa kaniya ng kaibigan niyang si Nathaly sa kabilang linya. Natawa nalang siya sa kaibigan niya dahil tinatawagan lang naman siya nito kapag nag-aanyaya itong uminom. Pero this time ito ang unang tumawag sa kaniya kaya naman sasamantalahin na niya para hindi ito makapag- aya ng inoman. "May itatanong lang naman sana ako sa'yo?" aniya sa may pang lambing na tono. " Spill it." Anito sa walang page aalin-langan na tono. "May alam kabang magaling na Attorney yong hindi sana pipitsugin yong palaban ayaw pumayag na matalo sa isang laban." "Oh meron." Mabilis pa sa alas kuwatrong sagot nito sa kaniya. Na ikinangiti niya. "Sino?" "Attorney IImas." "Wala na bang iba kang kakilala?" Tanong niya dito. "Wala na e." Sagot naman nito sa kaniya. "Ok salamat." Aniya saka mabilis na pinutol ang kabilang linya. Napa buntong hininga nalang siya dahil parang ito talaga ang magaling para sa kanila na Attorney na dapat hangaan. Mukhang walang puso ang Abogadong ito ah. Baka mapasabak ang ugaling brat ko dito ah. Di bale I'll try my very best para lang mapapayag niya ito. Umalis siya sa pagkaupo niya sa sofa saka naglakad palabas ng kwarto niya. Pag labas niya ay hindi na niya naabutan ang kaniyang manager. Kinuha niya ang susi ng kaniyang kotse sa round table saka lumabas ng kaniyang condo. Saka sumakay ng elevator pababa sa lobby ng kaniyang tinitirhan. Nang makarating siya sa parking lot ay kaagad siyang sumakay sa kaniyang kotse saka pinasibad ang kotse papunta sa Law Firm na pag-aari ng Attorney IIlmas daw kuno. Hindi man siya sang-ayon sa pagkuha niya sa Attorney na iyon ay wala na siyang magagawa dahil kailangan talaga niyang maipanalo ang kaniyang kaso. At para na rin matahimik na siya saka para na rin malinis na ang kaniyang pangalan. Bumuga siya ng marahas hangin ng makarating siya sa parking lot ng IImas Law Firm. Napipilitang tumayo siya sa pag kakaupo niya sa driver seat ng kaniyang kotse. Natihimik siyang naglalakad papasok sa building na nasa kaniyang harapan. Napipilitang pumasok siya dahil hindi niya gusto talagang kunin ang Abogadong yon. Dumeretso siya sa elevator at nakahinga siya ng maluwag dahil may mga label ang elevator at hindi na niya kailangan pang mag tanong dahil may tanda na ito. Pinindot niya ang top floor kung saan nakalagay doon ang pangalan na Eren IImas's Office. Saith was humming as the elevator goes up. And when it opened, she steps out and walk towards the table in the corner. "Hi I'm Saith Corte----" "Cortes." Pagtatapos nito sa kaniyang pagpapakilala habang malapad ang pag kakangiti at nag niningning na din ang mga mata nito. "I know you Ma'am. Isa po ako sa masugid ninyong taga-suporta Ma'am." The made her smile. " Oh really? Thank you." Malaki ang pagkakangiti niya dito. "Anyway nandito ako para kausapin si Attorney IImas. Is he here?" Kumunot ang nuo ng kaniyang kaharap. "Ms Cortes, is this about to your case?" Tipid siyang ngumiti sa kaharap bago magsalita. "So you knew." Tumango ito. "I'm June, Ipinadala sa akin ng iyong manager ang kopya ng mga papeles per-----" "Tinanggap o tinanggihan?" Pagtatapos niya sa iba pa nitong sasabihin. Napangiwi ito. " Tinanggihan," Malakas na bumuntong hininga ito saka ipinagpatuloy ang iba pang sasabihin. " ayaw niya po kasing tanggapin o humawak ng mga kaso ng artists o basta sikat." Paliwanag nito. "Wala akong pale. Let me in. Para maka-usap ko nalang sa personal." Naiinis na siya sa Abogadong ito dahil sa arte ng dating nito para sa kaniya. Napakamot nalang sa kilay si June. " Pasensya na po----" "No let me talk to him." "But ma'am." "Is he in?" "Yes ma'am but---" Hindi na niya pinatapos ang iba sana nitong sasabihin. Wala na siyang pakialam kung maldita, mataray o maarte siya sa paningin ng iba. Dahil sa inis niya sa Attorney na iyon ay may natarayan tuloy siya. Basta ang gusto lang naman niya ay maipanalo ang case at si Atty. IImas lang ang makakatulong sa kaniya. Walang sabi-sabing pumasok nalang siya sa loob ng opisina nito. "I need to talk to you." Deretso niyang sabi dito sa lalaking nakita niyang may binabasang makapal na libro sa kaharap na lamesa. The man looked at him. Then she froze. Kung siya ay natigilan at nagulat ay kabaliktaran naman niya ang lalaki dahil kumportable lang itong sumandal saka tumingin sa kaniya. " You're here so pag-uusapan ba natin ang tungkol sa nangyari----" Matalim niyang tiningnan ito. " Kasalanan mo yon---" "It's your fault kasi ikaw ang nagmamaneho ng cheap na sasakyan.." Nagtagis ang kaniyang bagang ng dahil sa sinabi nito tungkol sa regalo sa kaniya ng kaniyang boyfriend na si Jack na sasakyan. "Gusto mo bang batuhin kita ng sapatos?" Galit na tanong niya dito. "Try and I'll sue you?" Nagtagis ang bagang niya ng dahil sa inis sa lalaking kaharap na ubod ng yabang. Nangigigil na pinigil niya ang inis na bumabalot sa kaniyang sistema. Kailangan niyang kontrolin ang kaniyang inis dahil baka makalimutan niya ang kaniyang sadya sa building na ito. "Ikaw ba si Attorney Eren IImas?" Tanong niya dito. "So isn't obvious gusto mo bang ipakita ko sa'yo ang aking I.D?" he asked in sarcasm. Kumuyom ang kamao niya dahil sa inis na pinipigilan niya. "I'm out here." Aniya sa inis na tono. Saka ito dinuro. "Wala kang karapatang sabihing cheap ang sasakyan ko. Ito ngang kulay ng opisina mo ay cheap din." Napupuno niyang sabi dito. Saka muli niyang dinuro ito. "You're ugly." Biglang sumama ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD