Nagising kinabukasan si Louise sa malakas na tugtog ng radyo. Tuwing linggo lang sila nakukumpletong pamilya at nagkakasama maghapon. Pinapaubaya ni Precy sa tauhan ang shop para makapagpahinga din. Naririnig niya ang inang sumasabay sa tinig ng kanta. Sinilip niya ito sa bintana na kasalukuyang nagdidilig ng mga halaman nito sa hardin. Lumabas siya ng kwarto at nabungaran ang ama niyang naghahanda ng almusal. Kumalam agad ang sikmura niya pagkaamoy sa longganisa at kape. "O, anak, halika na at makapag almusal. Tawagin mo na ang Mommy mo," utos nito sa kanya. Lumabas siya at tinawag ang ina na halos patapos na din sa ginagawa. Bumalik siya sa kusina at umupo sa pang animang mesa. Humigop ng kapeng barakong gawa ng Daddy niya. "Wala ho kayo kahapon, Dad?" tanong niya sa ama habang sum

