Tell me this love is worth the fight- T.Swift
"Sige, tatapusin ko lang itong ginagawa ko. Wag kang mag-alala sisipot ako."pinatay ko naman na ang tawag dahil alam kong kapag hindi ko yun ginawa marami pa itong isesermon saakin kaya naman inuhan ko na.
Napabuntong hininga naman ako habang nakatingin sa mga ginagawa ko dahil maraming kailangan permahan hindi naman pwedeng permahan agad-agad ang mga ito kailangan pag-aralan kung worth it ba or ano. Hindi ko namalayan na marami na palang missed call saakin ang mga kaibigan ko. Ayoko kasing pag marami akong ginagawa ay maraming tumatawag kaya naka silent tuloy ang phone at inilagay ko pa ito sa bag ko. Minsan kasi nasubukan ko na ilang beses silang tumawag kaya naman nag-alala ako tuloy nang tinawagan ko sila tapos ang sasabihin lang hi. Kaya nadala na ako at sinilent ko na ang phone pero nakalimutan ko namang ilagay sa tabi ko at yun nga nang makita ko marami silang missed call saakin.
Inayos ko naman ang mga papeles na napermahan ko na at inilagay yun sa gilid nang mesa ko yung iba pagbalik ko na lang mamaya babasahin mo pang maiigi. Dinala ko lang ang wallet at phone ko dahil nasa loob lang naman nang mall ang pagkikita namin na malapit lang dito sa store ko sa loob nang mall mabuti na lang rin dahil naisipan nilang sa malapit lang kaya lalakararin ko lang. Hindi ko alam kung anong yung importanteng sasabihin pero mukhang may clue na rin kami. Si Jhoanne pa.
**************
Tama nga ang nasa isip ko kanina kung anong importanteng sasabihin nitong dalawang aso't pusa na couple and we are happy for the both of them.
"Sigurado ka na magpapakasal na kayo ni Jhoanne, Clarke?" biro naman nitong si Era. Tumango naman si Clarke.
"Wala na akong choice kailangan ko siyang panagutan." Ginatungan naman nito ng biro sa sinabi Eraizha. Sira talaga, nakita ko namang hindi maipinta ang mukha ni Jhoanne kaya alam kong mag-aasaran na naman ang dalawang ito. Wala namang nagbago sa dalawang ito kahit sila na para bang lalo silang nag-aasaran pero makikita mo naman na mahal talaga nila ang isa't isa.
"Ang kapal nang mukha mo sino kayang pumilit saatin. Sapakin kaya kita. "- Asar rin ni Jhoanne. Niyakap lang ito ni Clarke kaya natawa lang kami sakanilang dalawa dahil nag-aaway ulit sila. Mapang-asar kasi yung isa at madali namang maasar yung isa kaya perfect combination silang dalawa.
"Tama na yan, basta ikaw nang bahala kay Jhoanne."- biglang sabi naman ni Gette akala ko ay seryoso ito pero may karugtong pa pala ang sasabihin nito. "Alam mo namang kung gaano yan ka brutal baka mabalitaan naming battered husband ka na." isa rin itong si Gette na mapang-asar.
"Ang sama mo talaga Gette saakin." Nagtatampong sabi ni Jho.
"Ayos lang, she accepted me as who I am, so I accept what flaws she has. Kaya sinasanay ko na ang sarili ko ngayon palang." –Yun nga sinabunutan ni Jhoanne si Clarke dahil sinabi nito napa-iling na lang kami dahil hindi talaga mawawala ang pagbabangayan nilang dalawa. Ito kasi si Clarke minsan akala mo matino na yung sasabihin pero sa huli hindi pala. Yung feeling na kikiligin ka na sana pero biglang nawala dahil may karugtong pa palang hindi matino. Kaya dapat hindi ka assuming patapusin mo muna ang sasabihin nito para hindi ka umasa sa huli.
"Nasaan yung boyfriend niyong dalawa? Hindi ba sila hahabol dito?"- Biglang tanong naman ni Ellesse. Kaya napunta ang tingin nila saaming dalawa ni Gette na katabi ko.
"Matagal pa raw matatapos yung meeting nila Zeph. Kaya sabi niya wag na lang natin siyang hintayin. Hindi ko lang alam naman dito kay Carms."- Napansin ko naman kay Gette na mukhang ayaw nitong pag-usapan ang tungkol kay Zephyr para itong naiirita. Mukhang may problema rin sila. Pero hindi na lang namin yun pinansin.
"Ahm, si Maze may klase pa kasi siya saka sinabi niyang naglunch na rin siya baka hindi na siya makapunta rito." Sagot ko naman sakanila. Kumuha kasi si Maze ng units niya tungkol sa business kahit graduate siya nang engineering. Nakikita ko kasing mas nagugustuhan nito ang business lalo na at ang mga kaibigan rin nito ay may mga business man. Ang alam ko nag-invest ito sa kompanya nila Zephyr. Nagulat na nga lang kami kung sino talaga si Zeph. Akala namin ay hindi totoo yung nababalitaan namin sakanya pero naconfirmed naming magkakaibigan dahil alam niyang may tiwala na siya saamin at lalong napatunayan yun nang isa na siya sa humahandle nang kompanya nila but it's not my story to tell.
Nagkwentuhan lang kami hanggang maisipan na ring nilang umalis, ako naman babalik sa store ko. I owned a cosmetic product ewan ko rin sa sarili ko kung bakit ito ang naisip kong business sa katunayan hindi rin ako masyadong nag-aayos sa sarili ko pero gustong-gusto kong nag mamake-over lalo na sa mga kaibigan ko.
"Pasabay." Napatingin naman ako kay Era na umangkla sa braso ko.
"Babalik ako sa store ko. Hindi pa ba kayo aalis?" Tinignan ko naman si Sage na nasa likuran namin at sumusunod saamin ni Eraizha.
"Magshashopping ako sa store mo. Bakit bawal?" Wala naman na akong nagawa nang hilain na niya ako mabuti na lang nasa loob lang ng mall ang store ko na pagmamay-ari nila Sage.
"May new collection ka ba ngayon nang lipstick?"
"Wala pa, maybe next month."
"Alam mo, masarap talagang manirahan dito sa store mo. Lahat na ata nang kailangan nang babae para sa katawan niya nandito na." Tinignan ko lang ito habang tumitingin nang mga gusto niya. Yun rin ang sinasabi nang iba kaya halos dito na rin sila bumili lalo na at nasa loob pa ito nang mall. Hindi lang kasi mga make-up ang narito meron rin para sa skin care at natural product ang mga yun.
"Hindi naman siguro, ipapa-assist na lang kita sa manager ko. Sorry hindi kita maientertain ngayon dahil may mga tatapusin pa ako." Paalis na sana ako nang bigla ako nitong pinigilan kaya naman nagtaka ako.
"Ahm, wait lang. doon na lang ako sa office mo. Promise hindi ako mangugulo. Ayoko ring may nag-aassist saakin." Nagtataka naman akong tumingin sa kanya at kay Sage na tahimik lang. Hindi ko alam kung tama ba yung nasense ko.
"Huh? Ano namang gagawin mo sa office ko at kasama mo si Sage. Anong gagawin niyo doon?"
"Si Sage, babalik siya sa opisina nila. Ihahatid niya na sana akong umuwi pero ayoko pang umuwi. Kaya tatambay na lang ako dito saka hintayin ko siyang mag-out mamaya." Nagkibit balikat lang ako pero hindi ako satisfied sa alibi niya para bang iniiwasan talaga niya ito hindi ko lang masabi or baka mali ang conclusion ko. Tinignan ko lang si Sage nang matapos marinig ang sinabi ni Era alam kong wala na rin itong magagawa dahil nagdesisyon na ito.
"Okay, just leave a message if you want to go home." Tumango naman si Era pero hindi ito nakatingin sakanya. Sage just leave a kiss on the forehead of Era pero parang wala lang ito sakanya at hindi nito pinansin ang ginawa.
"Tara?" Tumingin na ito saakin at hindi na inabalang tinignan si Sage kung umalis na ito. Tumango lang ako kay Sage sinasabing ako nang bahala sakanya. Hindi ko alam kung anong problema nang mga kaibigan ko ngayon kaya gusto ko kahit papaano damayan ko sila. Mukhang si Jhoanne lang yung nakikita kong masaya sa ngayon at masaya na rin akong nakikita siyang ganun. Sana rin malampasan na rin namin itong problema namin.
*********
.