CHAPTER 19

1689 Words
Be my girl, I'll be your man I see my future in your eyes – Ed Sheeran "Dad, akala ko ba no more works na kayo? Alam niyo namang hindi pa kayo fully recovered." Nakasimangot na sabi ko. Pumasok ako sa opisina ni Dad dito sa bahay. Ipinahatid kasi ni Mommy yung gamot niya at sabi niya nandito siya. Pero hindi ko alam ito pa lang madadatnan ko. "Don't worry, Iha. Hindi naman madami ito." Sagot nito habang nakatutuk pa rin sa ginagawa niya. Hindi talaga siya masaway tama ang sabi ni Mommy. "Just leave it there. Iinumin ko rin yan." "Para saan po ba kasi iyan? Masyado po kayong busy." Lalapit na sana ako para makita kung ano yung mga sinusulat niya pero bigla na lang niya ito itinago sa folder kaya hindi ko na nasilip. Para bang masyadong confidential yun at hindi talaga pwedeng makita. "It's just nothing. Inaayos ko lang yung mga papeles na iiwan ko para doon sa bagong papalit saakin." Tumango naman ako. Hindi na lang ako nakiusisa dahil for sure wala rin naman akong alam at hindi ko naman kilala kung sinong papalit sakanya. "By the way, nagpaalam pala si Maze saakin na may date kayo ngayon." Tinignan ko naman ito. Medyo nagtaka pa ako. Iyon rin sana ang sasabihin ko sakanya kaya ako pumunta sa opisina niya. "Iyon rin po sana ang sasabihin ko. Magpapaalam po ako baka magabihan na po kami sa pag-uwi mamaya." "It's okay. Just enjoy your special day."mukhang hindi ito tutul sabi nito. Medyo nagtataka pa ako sa inaakto ni Dad. Hindi ko na lang pinansin. Paano niya nalamang special day namin ito. Actually 2nd Anniversary na namin ito. "Thank you dad." Nararamdaman ko kahit papano natatangap niya na si Maze. "May nakalimutan pa pala akong sabihin." "Ano po yun?" "Tell him, wag niyang kalilimutan yung napag-usapan namin at Goodluck sakanya." Makahulugang sabi nito. Nagtaka naman ako dahil sa bilin niyang yun. "Huh? Para saan naman po?" "Don't ask. Just tell him what I said." Napakibit balikat na lang ako bago magpaalam. Okay sabi niyo. ************** "You look perfect tonight."napakagat naman ako ng ibabang labi ko. Ito nanaman. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit maraming babae ang nahuhulog kahit sa salita lang. Well, hindi na ako magsisinugaling na hindi kinikilig. "And you look dashing." He looks really handsome with his suit. The last time I saw him wearing like this is when Jhoanne's wedding but that time I didn't appreciate, dahil hindi kami okay ng mga panahon na yun. "Mukhang formal ata masyado ang pupuntahan natin buti pinagpalit ako ni Mommy kanina." Kung hindi, hindi magtutugma ang suot namin. Wala naman kasi itong sinabi saakin na formal event ang pupuntahan pa ata namin. Sabi niya lang kanina na wear something confortable. Kaya simpleng dress ang suot ko kanina. Maybe kakain kami sa isa sa mga expensive restaurant. "Saan ba tayo kakain?" ngumiti lang ito bago nito isara ang pinto ng kotse at pumunta sa kabilang side. Napaisip naman ako kung sa restaurant kami magcecelebrate for sure baka may makakilala saamin lalo na kay Maze. I hate the idea na maraming mapapatingin sakanyang babae at pagkakaguluhan. And why I'm thinking this way? Bakit nagmumukha akong selosa? No! it's not possible. Hindi naman ako ganito dati, ni hindi nga ako nagseselos dati kapag may yumayakap sakanyang fans or hinahalikan siya sa pisngi. Siguro dahil alam kong trabaho lang iyon at walang dapat na ikaselos doon. "May problema ba at nakasimangot ka? O, sorry nakalimutan kong sabihin. Happy Anniversary My love. Sorry na wag ka ng sumimangot diyan." Bigla naman akong napaharap sakanya akala niya yun ang dahilan ko bakit nakasimangot ako. "Can you be honest to me?" seryosong sabi ko. Nakita ko naman itong umayos ng upo hindi ko alam kung namamalik mata lang ako pero mukha itong kinakabahan. "What is it?" napansin ko naman ang paglunok at pagbasa ng labi nito. Mukhang itong tensyon. Bakit kaya? "Nevermind, Saan nga ulit tayo pupunta?" nakita ko naman itong nakahinga na maluwag. "Secret muna sa ngayon. But I am certainly sure that you will like the place." "Okay! if that's what you want. I will trust you." Hinayaan ko naman na itong magdrive at dalhin ako kung saan yung sinasabi niyang secret. At dahil pre-occupied ako sa inisip ko hindi ko namalayang tumigil na pala ang sasakyan. Hindi ko alam kung nandito na ba kami sa sinabi niya kaya naman napatingin ako sa labas. Bakit familiar saakin ang lugar? "Bakit nandito tayo? Pupuntahan ba natin sina Jhoanne?" sunod-sunod kong tanong sakanya. Hindi ko alam kung bakit nasa may village kami nila Jhoanne. Kasama ba sila sa date namin? Nakita ko naman itong may ipinakita sa guard na ID niya at pinapasok na ang sasakyan namin. Naalala kong mahipit pala ang security nila dito. "Trust me." Ngiti lang nito. Nalilito na tuloy ako. Pero kailangan ko na lang siya pagkatiwalaan dahil alam ko namang hindi siya gagawa ng ikapapahamak ko. But for some reasons nagkaroon ako ng chill sa katawan ko. "We're here" napatingin naman ako sa labas. Inihinto naman nito sa isang malaking bahay at sigurado akong hindi kina Jhoanne iyon. Sinong pupuntahan namin dito? "Carms, may ipapakiusap sana ako. Alam kong nalilito ka bakit nandito tayo pero pwede bang mamaya ka na magtanong. Promise, sasabihin ko lahat mamaya sayo." "O-kay?" mukhang alam niyang nagtataka na rin ako. Ngumiti lang kami sa isa't isa. "Happy anniversary and I love you." Hindi ko namang mapigilang yakapin siya. Hindi ko alam pero masaya ako ngayon. "You know, I trust you. I also love you." Napatitig naman ito saakin nang matagal kaya medyo naiilang ako sa pagtitig nito. "Tara, bumaba na tayo. I assumed na dito tayo mag-dadate? Tama ba?" natatawang sabi ko. "Yes." Hindi pa rin nito inaalis ang ngiti niya. sinudan ko lang ko lang ito kung saan siya pupunta. Akala ko papasok kami sa loob but instead lumiko kami. Kanino kaya ang bahay na ito. " Sa garden tayo." Tumango lang ako at umangkala sa braso nito. May nakita naman akong gazebo mukhang doon kami pupunta dahil may nakalagay na table at dalawang upuan at yun lang din ang napaliligiran ng ilaw. Pagkarating namin pinagmasdan ko ang lugar napapaligiran ito ng mga bulalak sa loob at kung hindi ako nagkakamali napapaligiran rin ito ng mga LED lights kaya mukha tuloy kumikislap ang mga bulaklak. Hindi ko tuloy maiwasang mamangha sa buong lugar dahil sa ganda. Siguro mas maganda ito sa umaga, sayang at hindi ko na makikita ito bukas parang gusto ko pa naman libutin ang buong garden mukhang ni rent lang ito. "Nagustahan mo?" "Sobra. I didn't expect na nakapagpabook ka ng ganito kagandang lugar." Nakangiting sabi ko. "So you think I rented this?" natatawang sabi nito kaya nawala ang ngiti ko sa labi. Hindi ba? "So, libre mo itong nakuha?" gulat na saad ko. Natawa naman ito sa sinabi ko. Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sinabi ko. "Yah, libre nga ito." Natatawa pa ring sabi nito. "Kaya pala, mabuti at pumayag ang may-ari." Komento ko na lang. bigla naman ito natawa ulit at nang tumingin ako sakanya ng seryoso bigla nitong pinigilan. Ngumiti lang ito at inaya akong umupo. "Muntik ko ng makalimutan ibigay." Napatingin naman ako sakanya ng nagtataka. Tumayo ito at may sinabi sa isa sa waiter doon. "Sorry, muntik ko ng hindi maibigay tuloy." May inaabot naman itong bouquet of flowers tatlong klase iyon pero dalawa lang ang familiar ako yung red rose at red tulips. Bigla tuloy naalala si Jho dahil alam niya kung anong ibig sabihin ng mga bulaklak. Well, yung red rose lang naman ang alam kung meaning. Pero yung tulips at yung isa hindi ko alam. Bahala na nga diyan. "Thank you. I love it." Hindi naman talaga ako mahilig sa mga ganito pero kapag alam kong galing sakanya pinapahalagahan ko. "I'm glad you love it." Pagkatapos nun niyaya niya na akong kumain. Habang kumakain nag-uusap lang ng kung anu-ano pero sa totoo lang hinihintay ko yung gusto niyang sabihin. Maya-maya naging tahimik na rin kaming dalawa malapit na kaming matapos kumain kaya hindi ko alam dito na matatapos ang date namin. Naaalala ang gift ko sakanya kaya kinuha ko ang shoulder bag na dala ko. Hindi naman kasi ganun kalaki ang regalo ko kaya pinagkasya ko na lang sa bag ko. "Shall we dance?" hindi ko naman namalayan na nasa harap ko na ito. Narinig ko naman na may tumugtog pero walang kumakanta more on pure instrument lang ito. Hindi naman na ako nakatangi at inabot ang kamay ko sakanya tanda iyon bilang pagtanggap ko sa alok niya. naalala ko naman tuloy yung regalo ko hindi ko kasi nahanap agad dahil nag-aya ito. Medyo naiilang pa ako dahil napaka tamik hindi ko alam kung magsasalita ako but I'm enjoying this silence between the two of us. Parang ayoko ng matapos itong gabing ito. Halos nakayakap na ako sakanya habang sumasayaw kaya naririnig ko ang pintig ng puso nito. Kung pwedeng ganito lang palagi. "Camilla, naalala mo yung tinanong mo saakin weeks ago doon sa kotse." Out of the blue na tanong nito akala ko wala ng gustong magsalita saamin. Pero ano daw? "Alin doon?" Actually marami akong tinatanong sakanya dati pero meron akong isang tanong na hindi niya ako nabigyan ng sagot. "Alam mo kung ano yung tinutukoy ko. At sasagutin ko iyon ngayon." Tumigil naman kami sa pagsasayaw at iniharap niya ako sakanya. "Pwede bang itanong mo ulit saakin iyon?" Nang sinabi niya iyon bigla tuloy akong kinabahan sa hindi malamang dahilan. Sasabihin ko ba ulit? Paano kung...? Nakangiti lang itong naghihintay. Hindi ko alam kong saan papunta ito pero kung ito ang umpisa para malaman ko lahat ng gusto kong malaman then I will take the risk. "Are you ready to settle down?" binigyan naman ako nito ng makahulugang ngiti. Sunod na nun ay ang hindi ko inaasahang ginawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD